Chapter 35: Positive

1.8K 33 2
                                    

Her Point of View

Paggising ko, halos magtatanghali na rin. Ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Argus na payapang natutulog. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko nagawa kasi nakayakap siya sa akin.

Hindi ko akalain na bigla akong mawawalan ng malay kagabi kaya ako napunta rito. Kung hindi nangyari iyon, nakatakas sana ako. Pero wala, mukhang ito talaga ang kapalaran ko.

Tumingala ako sa kanya at hinawakan ko yung pisngi niya gamit ang isa kong kamay.

"Is it really okay for me to stay beside you?" bulong ko habang ako'y nakatingin sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako at muling sumandal sa kanya.

Lumipas ang kalahating oras at tumutunog na ang tiyan ko. Nakaramdam na ako ng gutom pero hindi ako makaalis kasi nakayakap si Argus sa akin at ayoko namang masira ko yung pagtulog niya. Lalo pa't nalaman kong hindi talaga siya nakatulog dahil binabantayan niya ako.

Sinubukan kong gumalaw. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin. Hindi ko pa man ito tuluyang naaalis nang biglang magmulat ang mata niya.

"Where are you going?" iyon kaagad ang tanong niya nang magmulat ang kanyang mga mata. Alam kong hanggang ngayon ay pinagdududuhan niya pa rin ako kung tatakas ba ako o hindi.

"Sa baba. Nagugutom na ako. Naistorbo ba kita?" umiling siya at muli akong niyakap.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

"Lunch time na rin. Gusto ko ng kanin" sagot ko sa kanya.

"Alright. I'll cook something for you" tiningnan ko siya.

"Huwag na. Ako na lang ang magluluto. Pagod ka pa yata dahil hindi ka rin nakapagpahinga ng maayos simula kagabi" umiling-iling siya.

"Nah. I won't let you cook. Hind ko pa nga alam kung ayos ka ba talaga dahil kanina lang ay nagsuka ka" napaismid na lang ako.

Sabay kaming bumangon ni Argus. Maging sa pagsipilyo ay nagsabay kami. Sa bawat paghakbang ko sa bahay na ito, ramdam ko na pinapanood ako ni Argus. Nang makarating kami sa kusina, bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko doon sina Fielo at Maya na nag-uusap. Pero napatigil sila nang makita nila kami.

"Hi Paris! Welcome back again!" napa-psh na lang ako sa sinabi ni Maya.

"Good afternoon sa inyong dalawa" nakangiti namang bati ni Fielo.

"Dito muna sila tutuloy for the mean time. Para may iba pang nakabantay sayo" napalingon ako kay Argus. Lihim akong napaismid. Wala naman na akong magagawa.

Umupo na lang ako sa upuan at pinanood na magluto si Argus. Pero maya-maya lang ay may naamoy akong hindi kaaya-aya sa aking ilong.

"Argus anong niluluto mo?" tanong ko sa kanya.

"I am sautéing onions and garlic" sagot niya nang tingnan ako.

"Ang baho" kunot noo siyang tumingin sa akin.

"What?" tila ba ay hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Sabi ko ang baho. Para akong masusuka ulit" dagdag ko pa. Pinatay ni Argus yung stove at nilapitan ako.

"Hey, you okay? Gusto mo bang magpadeliver na lang ako ng pagkain?" nag-aalalang tanong niya. Umiling ako.

"Huwag na. Ituloy mo na 'yan, sayang naman. Doon na lang muna ako sa sala. Huwag kang mag-alala, papasama ako kay Maya and promise, hindi ako tatakas" ilang segundo niya muna akong tinitigan bago siya bumuntong hininga.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon