Chapter 20: Worried

1.9K 32 1
                                    

Her Point of View

Habang ginagamot ako ng medical staff sa hospital na pinuntahan ko, sandamakmak na tawag ang nareceived ko kay Argus. Hindi ko napansin iyon dahil nakasilent yung phone ko. Nang tumawag siya ulit, sinagot ko na ito.

"Where the hell are you Paris!?" kaagad kong nailayo ang phone sa aking tenga dahil sa lakas ng boses niya. Maging itong nagtatahi ng tiyan ko ay napatigil. Alanganin na lang akong ngumiti.

"A-ah, Argus. Bumili lang ako ng pagkain sa labas" palusot ko. Alangan namang sabihin kong nasaksak na naman ako.

"I do not believe you. Bakit magulo ang kuwarto mo at bakit may patak ng dugo doon?" napataas ang dalawa kong kilay. Shet! Hindi ko nga pala naayos yung kuwarto ko! At hindi ko rin napansin iyong patak ng dugo! Punyemas.

"Argus kasi..." nakagat ko ang ibabang labi ko. Should I tell him?

"Where the hell are you Paris? Tell it to me now and what the hell happened here? Are you alright?" napabuntong hininga na lang ako.

"Pauwi na ako. Sa bahay ko na lang ikukuwento"

"Paris---" pinatay ko na yung tawag dahil tapos na rin tahiin yung sugat ko. Pinayuhan lang ako sa dapat gawin at dapat ko inumin at tumango na lang ako. Pakatapos kong magbayad sa hospital, lumabas na ako at nagdrive pauwi.

I bet Argus is so damn worried. Dahil habang nagdadrive ako, tawag pa rin siya nang tawag. Bumili na rin ako ng pizza dahil nagugutom ako.

Pagkarating ko sa bahay, nakita ko kaagad siya na nakaabang sa bungad at seryosong-seryoso ang mukha. Pagkababa ko ng sasakyan, nginitian ko siya at ipinakita ang hawak kong box ng pizza.

"Tara kain tayo" hindi siya kumibo.

"Bakit pinatayan ko ako ng tawag?" napakamot ako sa gilid ng kilay.

"A-ahh, ehh..." hindi ko alam nag isasagot ko. Saglit niya akong sinamaan ng tingin tapos ay nawala rin.

"Next time, don't do it again. It pisses me off" napatango na lang ako. Bigla siyang tumingin sa may tiyan ko. Napahawak tuloy ako doon. Tapos ay bumuntong hininga siya at naglakad palapit sa akin.

"I'm sorry I was late" aniya at maingat akong niyakap. And right at this moment, I knew that he already know what happened.

"Argus..."

"Nakita ko sa cctv footage na may dalawang lalaking pumasok sa bahay. Nakita ko kung paano mo ginuyod yung isang lalaki palabas habang yung isa naman ay nakatakas. I also saw the blood stain in your shirt so don't you dare lie to me about what really happened, my wife" tipid akong ngumiti.

Malamang ay hindi niya nakita kung ano talaga ang nangyari sa loob ng kuwarto dahil wala namang camera doon. Pero oo nga, balak ko pang magsinungaling eh meron naman palang cctv sa bahay niya? Haist.

"May tahi na naman ako sa tiyan" bulong ko sa kanya.

"What the fuck!? Again!?" walang ano ano'y itinaas niya ang shirt na suot ko at napaawang ang labi nang makita niya ang benda sa aking tiyan.

"Almost kagagaling mo lang tapos meron ka na namang saksak? Damn. I must hunt those two and let them experience what it's like to be in hell" hinawakan ko yung kamay niya.

"Huwag na mainit yung ulo mo. May dala akong pizza. Tara kainin natin" nakangiti kong sabi. Tinitigan niya lang ako tapos ay bumuntong hininga. Kinuha niya yung pizza na hawak ko at hinawakan ang kamay ko. Napangiti na lang ako nang sabay kaning pumasok sa loob. Dumiretso kami sa may dining area at ipinaghila niya ako ng upuan.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon