Chapter 33: Sorry

1.7K 32 0
                                    

Her Point of View

Kinakabahan akong tumingin sa kanya. Yung puso ko, sobrang bilis ng pagtibok na akala mo ay lalabas na siya sa aking dibdib.

"A-anong ginagawa mo rito?" talagang nautal pa ako.

"What do you think I am here for?" napalunok ako nang marinig ang malamig niyang tono.

Obviously he's mad.

"Paano niyo nalaman na nandito ako?" sunod kong tanong.

"Connections, of course. Leonardo and Fiona De Vega got killed. It's you right?" napabuntong hininga na lang ako. Oh right. Bakit hindi ko ba naisip iyon?

I just sighed.

"They deserved it. They killed your mother and mine too. It's the best for them" saad ko at yumuko.

"Why did you left me?" salubong ang kilay kong tumingala sa kanya.

"Seriously Argus? Tinatanong mo sa akin 'yan? You know the answer to that question" kumunot ang kanyang noo.

"So?" napaawang ang aking labi.

"Anong so!? Argus you should not be chasing me anymore. I killed your mother"

"You did not kill her!" napatigil ako nang magtaas siya ng boses. Pero lakas loob kong sinalubong ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Oo sige sabihin na nating hindi ko siya pinatay. Pero Argus, ako ang kumuha sa kanya at nagdala sa De Vegas. Ako ang dahilan kung bakit siya namatay" madiin kong saad.

"But you only did that because you have a reason" napasuklay ako sa aking buhok.

"Argus can't you understand it? Bakit nagpapakamartyr ka? You should be mad at me! You should be hating me!"

"I am mad! Nagagalit ako Paris. Nagagalit ako sa katotohanang nagawa mo akong iwan! You could have just confessed everything and talked to me. But what? You choose to leave!"

Ramdam ko na umiinit na ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Sa tingin mo ba ganon kadali 'yang sinasabi mo!? Sa tingin mo kaya ko pang humarap sa inyo sa kabila ng ginawa ko!? Argus hanggang ngayon hinahabol ako ng konsensiya ko. Hindi ako matahimik" hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha.

"Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, naaalala ko iyon. Naaalala ko kung paano siya pinahirapan hanggang mamatay. Nasaksihan ko ang lahat. At nang malaman kong siya ang ina mo, parang gumuho yung mundo ko. Hindi ko inaasahan na ganito kaliit ang mundo. Bakit sa dinami-dami ng pwedeng mangyari, bakit iyon pa? Bakit kinailangan pang ang Mommy mo ang maging target ko?" napahawak ako sa mukha ko at umiyak.

Mas lalo akong naiyak nang maramdaman kong pumalupot sa akin ang mga kamay ni Argus at maingat akong niyakap.

"I'm sorry for raising my voice" bulong niya na sa aking tenga. Itinulak ko siya palayo sa akin pero hindi siya nagpatinag.

"Huwag mo akong yakapin Argus. Please..." imbis na luwangan ang pagkakayakap niya sa akin, mas lalo niya pa itong hinigpitan.

"I don't want. I missed you" tuluyan nang nanlambot ang tuhod ko. Hindi ko alam kung paano niya nasasabi sa akin ang mga ito.

"Hindi ka ba galit sa akin?"

"I am mad. But I can't hate you"

Sumandal ako sa dibdib niya at hinayaan ang sarili kong umiyak.

"Mag-uusap tayo pero sa ngayon kumalma ka muna. Okay?" kinalas niya ang pagkakayakap niya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko para punasan ang mga luha ko. Napapikit na lamang ako nang halikan niya ako sa labi.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon