Chapter 34: Promise

1.7K 36 2
                                    

His Point of View

"Yes Dad, we found her already and she's with us right now"

Habang kausap ko si Dad sa phone, sumusulyap-sulyap ako kay Paris na siyang nakaupo at kumakain. Bigla kasing tumawag si Dad para tanungin kung ano na ang nangyayari sa paghahanap namin.

"Is that so? How is she?" tanong niya.

"She's fine. But I can also feel that she's hesitant to approach me and that makes me sad"

Kahit hindi niya sabihin, ramdam kong idinidistansya niya ang sarili niya sa akin. Pagkatapos niyang kumain, mag-uusap kami ng maayos.

Ayoko ng ganito, ayoko ng parang may pader sa pagitan naming dalawa.

"You better talk to her and bring her home..." tinanguan ko si Dad. Hindi ko na nabigyan pa ng atensyon ang ibang sinasabi ni Dad kasi biglang tumayo si Paris. 

Sinenyasan niya ako na pupunta lang siya sa cr. Bago pa ako makapagsalita at makahakbang, nakapasok na siya sa loob ng cr.

Kaya ang ginawa ko, nagpaalam na ako kay Dad. Pagkatapos ay naglakad ako pabalik sa may kusina. Hinila ko yung upuan at iniharap ko sa direksyon kung nasaan ang cr. Umupo ako atsaka hinintay siyang makalabas.

Pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin siya lumalabas. Doon na ako tumayo at naglakad palapit sa cr atsaka kinatok ang pinto.

"Paris? Why you taking so long in there?" tanong ko at muling kinatok ang pinto.

Napaayos ako ng tayo nang wala akong makuhang sagot mula sa kanya.

"Paris!? You in there!?" sumigaw na ako at itinapat ang tenga ko sa pinto. Nakita ko yung dalawa na tumakbo papunta sa puwesto ko.

"Goddamn it!" napamura na lang ako nang wala akong marinig na ingay sa loob.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Fielo. Imbis na sagutin ko siya, mapwersa kong sinipa yung pinto ng cr dahilan para ito ay masira.

Ganon na lang ang pag-init ng ulo ko nang makita naming wala ng tao sa loob ng cr. Sira na rin yung bintana na medyo may kaliitan pero alam kong kakasya siya doon.

"Holy shit! Si Paris!" sabi ni Maya.

Tiningnan ko si Fielo at Maya.

"Search the place. I'll just go get her thing" sabay silang tumango at nagmamadaling lumabas ng apartment. Ako naman ay tinungo ang kuwarto ni Paris.

Kinuha ko yung katana niyang nakatago sa cabinet na dapat ay kukunin niya kanina. Ito ang bagay na alam kong napaka-importante sa kanya. At alam kong gagawa siya ng paraan para makuha ito. Pagkakuha ko sa kanyang katana, tumakbo na rin ako palabas ng bahay.

"Negative. Wala siya sa paligid" napamura ako sa sinabi ni Fielo.

"I have to find her. I can't lose her this time" mabilis kong sabi at sumakay ng sasakyan. Kaagad din namang sumakay yung dalawa but this time, ako na ang magdadrive.

Gabi na kaya masahirap siyang hanapin dahil may kadiliman dito sa lugar na tinitirahan niya. But I don't care. I must find her. Nandoon na eh. Nakita na namin siya.

But damn! She escaped!

Akala ko nakuha ko na siya kanina. Akala ko naintindihan na niya yung sinabi ko. Putang ina. Tumakas na naman siya. Iniwan na naman niya ako.

Nakakadala. Nakakabaliw. Ayoko nang maulit ito.

Habang nagmamaneho ako, pasulyap-sulyap kami sa paligid dahil nagbabakasakaling makita namin siya.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon