Chapter 21: Suspect

1.8K 31 0
                                    

Her Point of View

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

"Really? Saan mo ako nakita?" mabilis kong tanong at hinawakan ko ang magkabilang kamay niya.

"Holy shit!" nanlaki ang mata ko nang bigla siyang magmura.

"Hey Maya, are you cursing my wife?" kunot noong sabi ni Argus. Si Fielo naman ay natawa lang sa tabi.

"What? Asawa mo 'to?" aniya at itinuro pa ako.

"Maya? Hindi mo pa alam? Hindi mo ba siya nakita noong birthday ni Master Armeo?" siya namang tanong ni Fielo. Umikot ang mata ni Maya na lihim kong ikinatawa.

"Duh. Nandoon ba ako 'non Fielo? Diba may mission ako sa ibang bansa that time?" sarcastic na sabi niya. Napa-ahh naman si Fielo.

"Oo nga pala. Hindi niya pala nakita si Paris noong may okasyon sa bahay niyo. Anyway, she's Paris Gomez. Asawa siya ni boss" nginitian ko si Maya.

"Wow. Hindi ko akalain na mag-aasawa ka Argus. Sa wakas ay pumatol ka rin sa babae, akala ko dati bakla ka eh" napaawang ang labi ni Argus at ako ay natawa na naman. I'm starting to like Maya's attitude.

"Shut the hell up Maya. Sagutin mo na lang ang tanong ng asawa ko kung saan mo siya nakita" poker face na saad ni Argus.

Muling ibinalik ni Maya ang atensyon niya sa akin. Tinitigan niya akong mabuti na para bang iniisip niya kung saan niya ako nakita.

"Ah! Alam ko na" napatayo ako nang maayos.

"Ikaw yung babaeng dinala ko sa hospital!" nagsalubong ang kilay ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"If I am not mistaken, it's already 3 o'clock in the am. Katatapos lang ng mission ko that time at nakita ko yung sasakyan mo. Sobrang bilis ng pagpapatakbo ng kotse mo at puno iyon ng tama ng baril" natahimik ako sa naririnig ko mula kay Maya.

"Nung una hindi ko na iyon pinansin dahil atat na rin akong umuwi. Nilampasan mo yung kotse ko at nakabukas yung bintana kaya nakita kita. Babae yung driver at duguan yung damit niya. Pero bigla mong binunggo yung railings ng tulay na dinadaanan mo at nahulog ka sa dagat na nasa ilalim ng tulay. Kaya lumabas ako ng sasakyan ko at tinalon ko yung dagat. Nang maiahon kita, napansin ko na dumudugo yung ulo mo at may mga tama ka ng baril sa katawan. Humihina na rin yung heartbeat mo kaya kaagad kitang dinala sa hospital. But after that, I lost track on you dahil naging busy na rin ako at narinig ko na nilipat ka ng hospital dahil malala yung kondisyon mo"

Binalot ng katahimikan ang paligid. Kaming tatlo ay pinaprocess pa kung ano yung sinabi ni Maya.

Maging ako, hindi ko akalain na ganon pala ang sinapit ko bago ako mapunta sa hospital na iyon.

"So that's how I got my amnesia" bulong ko.

"Putang ina. May anmesia ka!?" muntik akong mapapitlag sa pagtaas ng boses ni Maya. Hinampas naman ni Fielo ang kamay niya.

"Maghunos dili ka nga Maya" aniya at pinanlakihan ng mata.

"Shut up Fielo. Pero totoo nga? May anmesia ka!?" dahan-dahan akong tumango.

"Oo. At hanggang ngayon hindi pa bumabalik ang lahat ng ala-ala ko" sagot ko. Tiningnan ko silang lahat.

"Punta muna ako sa kuwarto" paalam ko at hindi ko na hinintay pa yung sagot nila. Kaagad akong tumalikod at dumiretso sa kuwarto ko. Pumunta ako sa kama at umupo.

Kung hindi dahil kay Maya, baka ngayon ay wala na ako sa mundong ito.

But I am bothered about what she said. Nakita niyang puno ng tama ng baril ang sasakyan na pinapatakbo ko. Nag-iba ang pakiramdam ko nang marinig ko iyon. At isa lang ang pumasok sa isipan ko, may gusto talagang pumatay sa akin.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon