Chapter 12: Jealous?

2.1K 41 3
                                    

Her Point of View

Tanghali na nang magising ako dahil hindi ako makatulog kagabi. Paikot-ikot na nga ako sa kama, kung ano-ano nang posisyon ang ginagawa ko para makatulog pero wala talaga. Binagabag ako ng nalaman ko kagabi. Pero gaya ng sinabi ko, hindi ako aalis sa tabi ni Argus hanggang sa matapos ang aming kontrata.

Lumabas ako ng kuwarto. Pababa na sana ako nang mapansin kong bukas iyong kuwartong may itim na pinto. Naglakad ako papunta doon at sumilip dahil baka nandoon si Argus.

"Argus?" tawag ko nang makapasok ako sa kuwarto. May kakaiba talagang aura ang kuwartong ito. Yung tipong kikilabutan ka kapag pumasok kang mag-isa dahil sa mga nakikita mo.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napakarami talagang mga armas. Lalabas na sana ako dahil mukhang wala naman si Argus dito at naiwan niya lang bukas ang pinto nang mapahinto ako. Dumako ang paningin ko sa mga espadang nakalagay sa pader.

May kung anong humihila sa akin na lapitan iyon kaya naman ginawa ko. Hindi lang iisang espada ang nakikita ko. Kundi lima. At ang bawat isa sa kanila ay iba ang disenyo at pagkakagawa.

Hinawakan ko yung isang espada pero bigla akong napapikit nang sumakit ang aking ulo.

"Rietta anak. Hindi ganyan ang tamang paghawak ng espada. Ganito"

Napamulat ako nang makita ko naman ang batang si Rietta kasama ang kanyang ina.

"Ah ganito po ba Mommy?"

"Yes sweetie. Ganyan nga. I am sure na mabilis kang matututo dahil maliit ka pa lang ay gusto mo na lang matutong gumamit ng espada"

Napahawak ako sa ulo ko. Kahit nakamulat ako, nakikita ko si Rietta na iwinawasiwas ang espadang kanyang hawak.

"Of course Mama! I want to do this to protect you and myself"

Nakita kong ngumiti ang kanyang ina.

"That's good to know Rietta. Protect yourself and the people who are important to you. I will guide you to become what you dream of. To become a skilled assa-------"

Biglang nawala ang imahe ng mag-ina sa aking isipan nang kumirot ng todo ang aking ulo. Nawalan din ako ng balanse dahil doon kaya napaupo ako sa sahig.

"Paris? Oh shit! Paris!"

Saka ko lang naimulat ang paningin ko nang marinig ko ang boses ni Argus. I saw him in front of me being covered with worry. Mabilis niya akong inalalayan.

"Hey, what happened? Ayos ka lang ba?" humawak ako sa braso niya.

"Sorry kung pumasok ako rito. Nakabukas kasi yung pinto at akala ko nandito ka" pagpapaumanhin ko.

"That's not what I am talking about. Answer me, what happened?" muli niyang tanong. Pinilit kong ngumiti.

"Okay lang naman ako. Bigla lang sumakit yung ulo ko pero kaya ko naman ihandle" sagot ko sa tanong niya.

"You don't look okay to me. Wait, let me carry you"

"Teka lang. Huwag na. Kaya ko naman———"

"I said let me carry you" wala na akong nagawa nang bigyan niya ako ng ma-awtoridad na tingin. Kaya naman hinayaan ko na lang siyang buhatin ako. Ikinawit ko sa kanyang leeg ang kamay ko nang makatayo na siya.

Sobrang lapit namin ngayon sa isa't isa at tila ba nakipagkarerahan na naman ang aking puso.

Dinala niya ako sa kuwarto ko at maingat na inihiga sa kama.

"Stay there and rest for a while. Iaakyat ko na lang dito yung pagkain" aniya.

"Argus promise kaya ko namang maglakad. Doon na lang ako sa baba kakain——-sabi ko nga dito na lang. Bilisan mo na dahil gutom na ako" nasabi ko na lang dahil sinamaan niya ako ng tingin. Tapos ay bigla siyang ngumisi kaya napanguso ako.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon