Chapter 41: Fight

1.4K 28 1
                                    

Her Point of View

"They are missing"

Napahilamos si Maya sa kanyang mukha habang ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanya. Nakikita ko na frustrated siya ngayon. I can feel her.

"Maya——-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may mapansin akong isang bagay sa sahig ng sasakyan dito sa shotgun seat. Kinuha ko iyon at napagtanto kong phone ito ni Argus.

Nang buksan ko iyon, nakita ko ang sunod-sunod na missed calls at texts mula sa akin. Ni isa man lang doon ay wala siyang naging response. Muntik ko nang mabitiwan ang phone ni Argus nang may mabasa akong mensahe.

Rietta is mine. Mine only.

Tila ba nanigas ako sa aking kinatatayuan ako. Hindi ako makagalaw dahil sa aking nabasa.

"What's wrong Rietta?" tanong ni Maya at lumapit sa akin. Ipinakita ko sa kanya yung message sa phone ni Argus.

"It's a message. Nakatanggap si Argus ng mensahe from an unregistered number. Pero sigurado ako na isang tao lang nanggaling 'yan, kay Lancer" napasuklay si Maya sa kanyang buhok.

"So he got them?" dahan-dahan akong tumango.

"Panigurado na nalaman na ni Lancer ang lokasyon ko at kung ano man ang koneksyon ko kay Argus. He did this before. Gagamitin na naman niya ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. But this time, si Argus na ang pinuntirya niya" naikuyom ko ang aking kamao dahil gusto kong manapak ng ngayon.

"Rietta, calm down. Huwag kang masyadong magpakastress. Buntis ka" napabuntong hininga na lang ako.

"I need to find them. We need to save them" sabi ko kay Maya na may nangangausap na mga mata.

"We will save them so don't be stressed out okay? Ipapaalam muna natin sa Mafia ang nangyari at magpaplano tayo. Knowing na magkasama yung dalawa, alam kong kaya nilang protektahan ang sarili nila. Let's trust them for now"

Wala na akong nagawa nang hilain ako ni Maya pabalik sa sasakyan. Nagdrive siya pabalik sa bahay namin. Pagpasok ko, umupo muna ako sa sofa sa sala at huminga nang malalim.

Ang daming pumapasok sa isipan ko at hindi ko alam kung anong uunahin ko.

"Shit" napamulat ako nang marinig ko ang pagmura ni Maya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wala raw ang parents ni Argus dito sa bansa. Nagkataon na nag-out of the country pala sila. At kahapon lang ay sumunod si Harrison. Next week pa raw ang balik nila at hindi ko sila macontact ngayon" na-i-stress na sabi niya.

"Wala tayong magagawa kung hindi natin sila macontact. We just have to move on our own" saad ko na lamang.

"Kailangan kong pumunta sa headquarters para kausapin ang Mafia at ipaalam sa kanila ang nangyari. Sasama ka ba?" umiling ako.

"Ramdam ko na yung pagod sa katawan ko. Dito na lang ako at magpapahinga muna saglit" sagot ko sa kanya.

"You sure? You'll be alright?" nginitian ko si Maya.

"Ayos lang ako. May mga tauhan naman sa labas. Sige na at umalis ka na. Balitaan mo ako ha?" tumango siya.

"Alright. I'll call you later. Kapag may nangyari rito, tawagan mo kaagad ako" muli ko siyang nginitian.

"I will"

Pagkaalis ni Maya, dumiretso ako sa kuwarto ni Argus at humiga sa kama. Ilang sandali akong tumitig sa kisame bago ko ipinikit ang aking mga mata.

"Argus, please be safe" bulong ko sa aking sarili. Napahawak ako sa puson ko.

"Baby, pinag-aalala ako ng Daddy mo" iminulat ko ang mga mata ko at bumangon. Dumiretso ako sa drawer at kinuha ang laptop doon. Binuksan ko ang account ko at hinanap ang taong pakay ko.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon