Chapter 38: See Him

1.7K 22 1
                                    

His Point of View

When I woke up, my wife is not beside me.

Bigla na naman akong nakaramdam ng pagkataranta dahil pagtingin ko sa orasan, mag aalas-sais pa lang. Nagmamadali akong bumaba ng kama. Nilibot ko ang kuwarto ko pero wala siya doon.

"Paris!? Paris where are you!?"

Pinuntahan ko yung kuwarto niya pero wala siya doon. Bumilis lalo yung tibok ng puso ko dahil sa kaba. Halos takbuhin ko na yung hagdan pababa para hanapin siya.

"Paris!?"

Saglit akong napatigil sa pagtakbo nang may marinig akong kung ano sa kusina. Nang makarating ako roon, nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya na nakatayo sa tapat ng sink. Gaya ng dati, nagsusuka na naman siya.

"Hey... how are you?" nang makalapit ako sa kanya, hinagod-hagod ko yung likod niya. Sumenyas naman siya sa akin na ayos lang siya. Nang matapos siyang mag-ayos, hinarap niya ako.

"Bakit sumisigaw ka? Ang aga-aga" aniya.

"Paggising ko kasi, wala ka sa tabi ko. Akala ko iniwan mo na naman ako" lumambot ang expression ng kanyang mukha.

"Argus, sinabi ko naman sa iyo na hindi ko na gagawin iyon. Atsaka nangako na ako sa pamilya mo" sabi niya. Napabuntong hininga ako.

"I know. But I can't help to feel nervous everytime I wake up and you are not beside me" para sa akin kasi, nakakatrauma yung ginawa niya. Alam kong hindi naman na niya gagawin, pero nandito pa rin talaga yung kaba.

"Aww. I'm sorry. Sorry for making you worry" napangiti ako nang lumapit pa siya sa akin at niyakap ako sa bewang.

"Mahal lang kita ng sobra kaya ako nagkakaganito" saad ko malapit sa kanyang tenga. Tumingala siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi.

"Tandaan mo, hinding-hindi na kita iiwan ulit. Mahal din kita at mas lalong hindi kita iiwan ngayon na magkakababy na tayo" niyakap ko siya pabalik.

"Dapat lang"

Lumipas ang oras at napagpasyahan kong lumabas ng kuwarto at pumunta sa kusina para magluto ng almusal. Si Paris ay bumalik sa pagtulog. Bago ako lumabas, inayos ko yung pagkakakumot niya sa comforter at hinalikan muna ang kanyang noo.

Habang nagluluto ako ng almusal sa kusina, nagring yung phone ko na nasa bulsa ko lang. Sinagot ko ito dahil si Fielo ang tumatawag.

"What?" kaagad kong bungad sa kanya.

"Good morning boss" kumunot ang aking noo.

"Is that what you're going to say?" nakarinig ako ng pagtawa mula sa kabilang linya.

"Ito naman si boss, ang aga-aga ang init ng ulo. Hindi iyon ang sasabihin ko. Tungkol kay Lancer De Vega ang ibabalita ko" saglit akong napatigil nang marinig ko ang pangalan na binanggit niya.

"So, what's with that fucking bastard?"

"Base sa mga sinabi ng mga assassin natin, kalat-kalat na yung mga tauhan ni Lancer. At ang pakay nila? Si Rietta" naikuyom ko ang aking kamao. As we expected, gagawin talaga iyon ni Lancer dahil sa ginawa ni Paris sa mga magulang niya.

"At sabi ni Maya, bantayan mong maigi si Rietta dahil hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari. Hindi siya pwedeng mapahamak lalo na ngayon na may dinadala siya" napatango na lang ako.

"Don't worry I will. Thanks for the news"

"You're welcome boss!"

Matapos ang tawag, pinatay ko na rin yung stove at inayos ko na yung lamesa. Nang maayos ko na ito, saka ako bumalik sa kuwarto namin para tawagin si Paris. Pagdating ko doon, nadatnan ko siyang naglalaptop. Pero nang makita niya ako, kaagad niya ring isinara ito.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon