Chapter 3: Moved In

2.6K 37 6
                                    

Her Point of View

"Paris, this is Fielo. Siya ang lagi kong kasa-kasama so be used to his presence" napatango na lang ako habang nasa byahe kami.

Ngayon kasi ay pauwi na kami sa bahay kuno ni Argus. Parehas kami na kalalabas lang ng hospital. At gaya ng sabi niya, siya na ang umasikaso sa mga bayarin doon. Napatingin ako sa daliri ko. Especially sa singsing na suot ko.

Shitty lang. I can't believed na kasal na ako. At ang mas malala pa, sa hospital lang kami ikinasal.

Hindi rin namin pineke ang kasal dahil malalaman at malalaman daw iyon ng tatay niya. Anyway, as long as I benefit from this relationship, then I am good. Nawala ang stress ko sa mga gastos-in.

"Hi Miss Paris———ay este Mrs. Ferrari. Sorry" nginitian ko siya.

Si Fielo lang din ang nakakaalam ng totoong nangyari sa aming dalawa ni Argus. So tatlo lang kaming nakakaalam na contractual marriage lang ang kung anong meron kami.

"It's fine Fielo. And besides, just call me Paris. Masyado kang pormal" sai ko na nakapagpatawa sa kanya.

"As you wish. Paris then"

Siya ngayon itong nagdadrive sa amin ni Argus papunta sa bahay niya. Dalawang araw pa kasi ang itinagal namin sa hospital bago ako tuluyang pinalabas kaya ngayon pa lang kami makakauwi. Nang makarating kami sa destinasyon, namangha ako dahil sa laki ng bahay na nakikita ko.

"Bahay mo 'yan?" tanong ko at itinuro ang bahay nang makalabas kami ng sasakyan. Nakangisi naman siyang tumango. Yabang!

"Tapos mag-isa ka lang?" tumango na naman siya.

"Lungkot naman ng buhay mo" komento ko. At napatingin ako kay Fielo nang mahina siyang tumawa. At si Argus naman ay nagsalubong ang kilay.

"Not really. I prefer being alone" prenteng aniya at tinalikuran na kami.

"Pagpasensyahan mo na si Argus. Talagang minsan may sumpong 'yan. Masasanay ka rin" nginitian ko na lang si Fielo.

Sumunod ako kay Argus na siyang papasok ng bahay. Habang si Fielo naman ay nagpaalam na muna dahil may pupuntahan pa siya. Pagkapasok ko sa loob ng bahay, mas lalo akong namangha. Napakaganda ng pagkakagawa. I really like the interior design. Vey aesthetic and pleasing to eyes.

"Do I need to tour you? Kaya mo naman siguro maglibot mag-isa" tiningnan ko siya at pilit na ngumiti.

"Napakasweet naman ng asawa ko. Napakatamad" nginisian niya lang ako.

"Masyadong malaki ang bahay. Nakakapagod libot-in. Atsaka isa pa, kalalabas mo lang ng hospital. Ipapakita ko na lang sa iyo kung nasaan ang kuwarto mo" napanguso na lang ako. Fine.

Umakyat siya sa hagdan na medyo paikot ang style at sumunod lang naman ako sa kanya.

"As you can see, magka-iba tayo ng kuwarto. Pero sa oras na bumisita ang kahit sino sa pamilya ko, doon ka sa kuwarto ko matutulog" tumango lang ako.

"Kailan kasi ulit ang balik ng Dad mo?" tanong ko habang nakasunod lang sa kanya.

"In eight days" nabanggit niya kasi kanina na wala dito sa bansa ang tatay niya. Nasa abroad daw at may inaasikaso. Mga mayayaman nga naman oh. Palaging may appointment.

Huminto kami sa isang kuwarto at binuksan niya ang pinto.

"This will be your room. Pinaayos ko na ito kahapon"

Napabilog ang aking labi nang makita ko ang ayos ng magiging kuwarto ko. Masyado itong malaki para sa akin. Anyway, hindi na ako magrereklamo. Kumpleto na rin siya sa gamit. Umupo ako sa kama at napangiti ako dahil sobrang lambot non.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon