Chapter 25: Secret

1.8K 25 2
                                    

Her Point of View

Tatlong araw ang lumipas at makakalabas na rin ako ng hospital. Alagang-alaga nila ako, lalo na ang pamilya ni Argus, kaya siguro ganon na lang kabilis ang pag-ayos ng kalagayan ko. Ngayon ay pauwi na kami sa bahay.

"Wala ka bang gustong kainin? We can buy it along the way" napatingin ako sa kanya nang pareho kaming makasakay ng sasakyan.

"Hmm. May gusto akong kainin" sagot ko.

"What is it?" tanong niya.

"Carbonara. Gusto ko ng carbonara. Pero gusto ko luto mo. Okay lang bang ipagluto mo ako?" namiss ko kasi talaga yung luto niya.

And beside that, I want to make good memories with him, while I am still here.

Napangiti ako nang kuhanin niya ang kamay ko at hinalikan ang likuran nito.

"Of course it's fine. Basta para sayo, gagawin ko" napangisi ako sa sinabi niya.

"Pinapakilig mo naman ako" saad ko na ikinatawa niya.

"Then I am glad you are. Give me a kiss" hindi na ako umangal pa at lumapit ako sa kanya para halikan siya sa labi. Mabilis lang naman iyon pero ang lawak ng ngiti niya.

Pagkarating namin sa bahay, dumiretso kaagad si Argus sa kusina para ipagluto ang request ko. Sabi ko nga sa kanya na magpahinga muna siya kahit saglit. Pero mapilit ang Lolo niyo at sinabing magluluto na siya dahil baka raw malipasan ako ng gutom.

Kaya ito ako, nakaupo lang sa sala habang nanonood ng tv. Pinapagalitan naman kasi niya ako kapag naglilikot ako o kung ano-anong ginagawa ko. Habang nanonood ako ng tv, napatingin ako sa katawan ko. Especially sa mga parte ng katawan kong may mga tahi at sugat.

Ngayon na nanumbalik na ang lahat ng ala-ala ko, naiintindihan ko na kung bakit parang wala lang sa akin kahit ilang beses akong madisgrasya at madala sa hospital. Iyon ay dahil sanay na pala talaga ako sa ganito dati pa man.

Bahagya akong natawa.

"Why are you laughing?" natigil ako sa pagtawa nang marinig ko si Argus na nagsalita. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya at may dala na siyang wood tray kung nasaan ang pagkain namin.

"A-ah. Nakakatawa kasi yung pinapanood ko" palusot ko. Kumunot ang kanyang noo.

"Seriously, wife? Base sa nakikita ko, nag-iiyakan yung magkapatid dahil sa hindi ko malamang dahilan. You find it funny?" nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa tv. At halos gusto ko nang lamunin ng sofa dahil mukhang nagdadramahan yung magkapatid at nag-iiyakan nga! Kahit sino naman ay hindi matatawa sa ganitong eksena.

Mabilis kong kinuha yung remote at inilipat na lang ng channel. Tapos ay alanganin akong ngumiti kay Argus.

"Tapos ka na palang magluto. Ang bilis naman. Tara kain na tayo, nagugutom na ako" pag-iiba ko ng usapan. Mabuti na lang at hindi na rin naman siya nagtanong pa.

"What about drinks? What do you want?" umiling ako.

"Huwag na. Magtubig na lang tayo. Shall we eat?" para siyang batang tumango.

Sabay kaming kumain habang nanonood ng palabas sa tv.

"By the way wife, aalis kami ni Fielo ngayon" dahil doon ay napalingon ako sa kanya.

"Saan punta niyo?" tanong ko naman.

"Kikitain ko lang yung mag-oorganize ng event sa pagpasa ng trono sa akin. But before that, may aasikasuhin lang ako sa headquarters. Baka medyo gabihin din kami. Would that be okay?" nginitian ko siya.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon