Chapter 29: Letter

1.7K 41 3
                                    

His Point of View

Papikit-pikit ang mga mata ko nang magising ako dahil sa liwanag na nanggagaling mula sa bintana ng aking kuwarto. When I looked at the clock, it's already past eleven in the morning. It's almost lunch time.

Nang tumingin ako sa aking gilid, wala si Paris. Maybe she's downstairs eating breakfast. I can't help but to smirk when I remembered what we did yesterday. It was a night full of love and it was so damn amazing.

Bumangon ako at dumiretso sa cr para magtootbrush. Pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan para puntahan si Paris.

Ganon na lamang ang pagkunot ng noo ko nang wala akong madatnan sa kusina. Nagpunta ako sa sala at sa iba pang parte ng bahay ko rito sa baba pero hindi ko siya nakita.

"Paris?" pagtawag ko sa kanya pero wala akong nakuhang sagot. Lumabas na rin ako ng bahay pero wala pa rin siya.

Holy shit.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Patakbo akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at pinuntahan ang kanyang kuwarto.

"Paris!?" maging sa kuwarto niya ay wala akong nadatnan.

Lalabas na sana ako para hanapin pa siya nang mapansin kong bahagyang nakabukas ang cabinet niya. Lumapit ako doon at tuluyang binuksan ang cabinet. Tuluyang bumagsak ang balikat ko nang makita kong wala rito ang mga damit at gamit niya.

Dinukot ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan ko ang number niya. Nakarinig ako ng pagring dito sa kuwarto at nakita ko yung phone niya na nakalapag sa side table.

"Fuck!"

Nagmamadali akong pumunta sa kuwarto ko at nagpalit ng damit. Pagkatapos kong mag-ayos, nagpunta ako sa drawer at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Kaagad din akong napatigil nang may makita akong papel na nakatupi sa side table ng kama.

Bigla na naman akong kinabahan. Halos manginig-nginig ang kamay kong kinuha ang papel na iyon at binasa ang nakasulat.

Hi Argus. You are probably wondering why I wrote this letter for you.

Pagbasa ko pa lang sa unang linya ng sulat, nanlambot na kaagad ang mga tuhod ko.

First of all, I want to tell you that I love you so much. Wala naman ito sa plano nating dalawa pero wala, mapaglaro ang tadhana at hinulog tayo sa isa't isa. Ganunpaman, hindi ko pinagsisisihan na minahal kita kasi isa ito sa mga pinakamagandang pangyayari sa buhay ko.

May tumulong luha sa pisngi ko na kaagad ko ring pinunasan.

But my husband, my memories are now back. It happened when I woke up after the accident. And along with that, I retrieved a memory that I wish I never knew. Argus honey, I did something that is unforgivable. I did something that made you devastated up until now.

Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan ang lahat but I want to introduce myself first. Now that my memories are back, nakilala ko na rin kung sino ako. Natatandaan ko na ang lahat tungkol sa pagkatao ko. I am not the Paris anymore because my real name is Rietta Sandoval. And I want you to know that I am not just a normal girl.

My dear husband, your wife is an assassin.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa papel na nasa kamay ko. Hindi ako makagalaw dahil sa mga nababasa ko. Parang naninikip ang aking dibdib.

I am part of the De Vegas Mafia. At kahit hindi ko na ipakilala sa iyo ang mafia na ito, alam kong kilala mo kung sino sila. They are your main targets right? Because they are the ones who killed your mother. Unfortunately, I am part of that organization. Argus listen to me, I don't want to leave you but I have to.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon