Chapter 22: Accident

1.7K 31 1
                                    

Her Point of View

"Paris, we're here"

Napatingin ako sa paligid nang bumaba kami ni Argus ng sasakyan. Nakarating na kami sa lugar kung saan kami dating nakatira base sa ala-alang bumalik sa akin. Naglakad ako palapit sa gate at nakasunod lang sa akin si Argus.

"It's locked" ani ko nang mapansin kong hindi ko mabuksan yung gate.

Kung papansinin, mukhang walang nakatira sa bahay. Dahil puno ng dahon ang bakuran at nagsisilakihan na ang mga damo. Ang iba pa nga ay umaakyat na sa pader at sa gate. Makikita mo rin na halos walang kapitbahay ang bahay na ito.

"I have a gun with silencer. We can use that" nakangiwi akong tumingin sa kanya.

"Seriously?" nginisian niya ako.

"Seriously" napakurap-kurap na lang ako.

"Alangan namang mag-over-the-gate tayo? I cannot let you do that. Baka bumuka yung sugat mo. This is the safest and fastest way, wife" wala na akong nagawa nang kuhanin nga niya ang baril niya sa sasakyan. Patakbo siyang bumalik sa tabi ko at itinutok na niya ang baril sa lock na nasa gate.

Sa isang iglap, nasira na yung padlock at nagawa na naming buksan yung gate.

Naglakad kami papunta sa bahay and as expected, nakalock din iyon. Pero gaya ng ginawa ni Argus kanina, binaril niya yung doorknob kaya naman tuluyan na kaming nakapasok sa loob. I don't know why pero kinilabutan ako pagpasok ko sa loob. Kakaiba kasi ang aura sa bahay na ito.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Maalikabok na siguro dahil na rin sa walang nakatira. Naglakad ako papunta sa isang drawer kung saan may mga picture frame na nakataob. Hinawakan ko yung isa at tiningnan ko kung ano ang litrato na nandoon.

Napahigpit ang pagkakahawak ko rito anng makita ko ang larawan ko kasama si Mama na siyang nasa ala-ala ko. Parehas kaming nakangiti rito. Nakasuot ako ng puting dress habang may hawak na cake. By seeing the decoration, I think this was taken back during my birthday.

"Is that you?" napatingin ako kay Argus na ngayon ay nasa tabi ko na. Tinanguan ko siya.

"Yeah. While the other one is my mother. She's beautiful right?" nakita ko ang pagtango niya.

"I agree. Alam ko na kung kanino ka nagmana" aniya at ngumisi. Napangisi na lang din ako. Binuksan ko yung duffel bag na dala ko at inilagay ko doon yung mga picture frame na nakita namin.

Una naming inikot ni Argus yung unang palapag ng bahay. Walang masyadong gamit kaya naman mabilis lang din kaming nakapag-ikot-ikot. Hanggang sa umakyat kami sa second floor ng bahay kung saan may dalawang kuwarto. Ang una naming napasukan ay sigurado akong kuwarto ko. May nakalagay kasi sa pintuan na Rietta.

Pagpasok namin sa kuwarto, napupuno lang ito ng kulay puti at itim na gamit. I guess I am not a girly person huh.

Nagbukas ako ng cabinet at may mga nakita akong damit doon. Pinagbubuksan ko pa yung mga drawer sa loob nito para tingnan kung anong laman pero wala naman akong nakuhang importante. Sinara ko na iyon at muling inilibot ang aking paningin sa loob ng kuwarto.

"Paris, look at this" linapitan ko si Argus. May hawak siyang isang litrato na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

Nang tingnan ko iyon, larawan ko ito noong bata-bata pa ako habang may kasamang isang lalaki. Pareho kaming nakangiti sa camera at magka-akbay pa. Napahawak ako sa ulo ko nang biglang sumakit iyon.

"Hey, you okay?" nang idako ko ang paningin ko kay Argus, ngumiti ako at tumango.

"Ayos lang ako"

Kinuha ko yung picture na hawak niya at inilagay din sa bag na dala ko. Nang madako ang paningin ko sa kama, may nakita akong kung anong nakausli sa ilalim nito. Lumapit ako doon at dumapa para silipin kung ano ang nandoon. Ipinasok ko ang kamay ko sa ilalim ng kama at kinapa kung ano ang nakausli.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon