Chapter 26: Merry

1.7K 28 0
                                    

Her Point of View

"Shit, Maya tama na. Ang sakit na ng ulo ko!"

"Wohoo! Isa pa!" napailing na lang ako habang pinagmamasdan si Maya. Grabe ang alcohol tolerance niya. Sobrang taas. Ang lakas na nga rin namin mag-usap dahil lumalakas na yung sounds dito sa loob.

"Mabuti pa at umuwi na tayo. Panigurado ay nag-aalala na rin si Fielo sayo" saad ko. Pero umirap siya.

"Psh. As if" aniya lang at lumagok na naman ng alak. Hindi na nga baso ang hawak niya eh, kundi yung bote na.

Pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Snabi ko kay Maya ang pinakatatago kong sikreto at nakakataba lang ng puso kasi hindi nagbago ang paningin niya sa akin. Tama nga ang kutob ko na mapagkakatiwalaan ko siya.

"Maya tama na————" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Si Argus ang tumatawag na siyang nakapagpalaki sa mata ko. Shet! Dahil sa pagmamadali ko kanina, nalimutan kong magtext sa kanya kung saan ako pupunta. I am sure na nag-aalala na siya ngayon.

Mabilis kong sinagot ang tawag.

"Paris! Where the hell ar——- what the? What with the loud sounds? Are you in a club!?" nakagat ko ang ibabang labi ko.

"A-ah eh kasi Argus——-"

"What the hell Paris, anong ginagawa mo diyan?" 

Magsasalita na sana ako nang hawakan ni Maya ang kamay ko at hinila ako patayo. Dahil sa ginawa niya, para bang umikot ang paningin ko.

"Come on Paris! Doon tayo sa dance floor! Masaya doon!" hindi ako nakapalag nang hilain ako ni Maya.

"Shit shit shit. Is that Maya? Fuck. Wife, send me your location now" may diin ang bawat pagbigkas ni Argus sa kanyang sinasabi. Unti-unti na kaming lumalapit sa dance floor kaya hindi ko na siya naririnig pa. Kaya naman itinapat ko na lang sa speaker ang labi ko.

"I'm sorry Argus! But we are in the Jack Bar, I'm so tipsy right now. Please rescue me"

Pagkatapos ay pinatay ko na yung tawag.

"Let's dance!" napanganga na lang ako nang pagdating ni Maya sa dance floor, nawalan na siya ng malay.

"Oh mg ghad Maya" kahit na hilo na ako, sinubukan ko siyang buhatin.

"Jusmiyo ka Maya. What if guyodin na lang kita pabalik sa table natin? Aish" itinayo ko si Maya at inalalayan ko siya. Hindi ko alam kung may kabigatan pa talaga siya o lasing lang siya kaya nahihirapan akong dalhin siya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal bago nakabalik sa table namin. Halos hingal akong umupo sa may sofa kung saan katabi ko si Maya. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa sofa at ipinikit ang aking mata.

"Hey miss"

Ilang minuto rin ang lumipas nang mapamulat ako dahil naramdaman kong may tumabi sa akin. Nagsalubong ang aking kilay nang makita kong may lalaking nakaupo ngayon sa tabi ko.

"Please go. Masakit na ang ulo ko, wala akong panahon sayo" natawa lang siya sa sinabi ko.

"Want me to bring you home? May susundo ba sayo? Sa inyo ng kasama mo?" tumango ako.

"Yup. Papunta na siya. So you better get away from me kasi baka mag-alburoto iyon" bahagya pa akong natawa.

"You sure? Baka sinasabi mo lang iyan para itabo——-"

"She's not lying bastard. Now fuck off before I might crash your face" parang nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang boses ni Argus. Pinagmasdan ko siya, medyo magulo ang buhok at mukhang hinihingal pa. Halatang nagmadali siya papunta rito. Ganunpaman, hindi pa rin nabawasan ang charisma ng asawa ko.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon