Chapter 40: Missing

1.5K 27 0
                                    

His Point of View

"Boss, nakausap ko na yung mga dadalhing bantay sa bahay mo. Papunta na sila doon ngayon" tinanguan ko si Fielo.

Simula ngayon, magpapadala na ako ng tauhan sa bahay para may bantay roon. Kailangan kong magdoble-ingat dahil hindi na lang si Paris ang pinoprotektahan ko, kundi pati na rin ang magiging anak namin.

"That's good. Nasaan si Paris?" tanong ko sa kanya.

"Kumain sila ni Maya" kumunot ang aking noo.

"Lumabas sila?" saglit na natawa si Fielo.

"Chill boss. Hindi sila umalis ng building. Nasa rooftop sila, kumakain" napatango na lang ako. Akala ko ay sa labas sila kumain ni Maya.

Lagi ko na ring isinasama si Paris dito sa Mafia dahil ayoko talagang iniiwan siyang mag-isa. Hanggat't maaari, gusto ko within the range ko lang siya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa swivel chair ko.

"Saan ang punta mo boss?" tanong sa akin ni Fielo.

"Pupuntahan ko yung asawa ko" sagot ko na nakapagpangiti sa kanya ng nakakaloko.

"Sama ako. Nandoon din si Maya" tinanguan ko na lang siya. Sabay kaming lumabas sa office ko at naglakad sa hallway.

"Alam mo boss? Nakakatuwa talaga kasi ngayon may asawa ka na. Atsaka mahal mo pa! Nawawalan na ako ng pag-asa sayo dati na mahuhulog ka pa sa isang babae" napangisi ako sa sinabi niya.

"Hulog ng langit talaga si Paris sayo" sinang-ayonan ko ang sinabi ko.

"There is something in her that captures me. I just love her so much, especially now that we're going to have a baby" saad ko.

"Gawin mo kaming ninong at ninang ni Maya" nginisian ko siya.

"Kailangan house and lot ang iregalo mo sa anak ko" sabi ko na nakapagpatawa sa kanya.

"Napakademanding ko namang ama. Huwag na lang pala" aniya at pareho na lang kaming natawa.

Pagkarating namin sa rooftop, nakita namin si Paris at Maya na nag-uusap. Mukhang masaya ang kuwentuhan nila dahil pareho silang natawa. May nakalatag na tela sa lapag at doon sila nakaupo habang nakalapag din ang mga pagkain na kinakain nila.

"Oo kaya! Noong wala ka pa, ang panget ng ugali ni Argus"

Napaawang ang aking labi nang marinig ko ang sinabi ni Maya. Sinamaan ko pa ng tingin ang katabi ko dahil bigla siyang tumawa.

"Talaga?" napasimangot ako nang pati si Paris ay tumawa.

"Oo. May temper issues 'yan. Hindi mo makausap ng matino kasi sobrang sungit. Alam mo, kung hindi lang siya ang boss namin, matagal ko na siyang nabigwasan"

Hindi ko na napigilan at lumapit na ako sa kanila.

"Really Maya? Gusto mo akong bigwasan?" sabay na nanlaki ang mga mata nila nang makita ako.

"Argus! Kanina ka pa diyan?" tanong ni Paris at nginitian ako. Hindi ko muna pinansin ang sinabi niya at sinamaan ng tingin si Maya. Tapos ay umupo ako sa tabi ni Paris.

"Totoo naman ah? Nakakabanas ka kaya dati" dagdag niya pa kaya mas lalo akong napapoker face.

"Mukha nga" hinawakan ko ang kamay ni Paris.

"Hey, pati ba naman ikaw inaaway ako?" nakasimangot kong sabi. Hinawakan niya ang pisngi ko at kinurot iyon.

"Problema mo? Past is past naman na. Atsaka totoo namang masungit ka dati" napa-tsk na lang ako.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon