Chapter 5: Photoshoot

2.2K 39 8
                                    

Her Point of View

Kasalukuyan akong nag-aayos ngayon dito sa kuwarto ko dahil gaya ng sabi ko kahapon, magpophotosoot kami ni Argus. Tapos ipapaframe namin iyon at ididisplay sa kanyang bahay para naman medyo kapani-paniwala ang relasyon naming dalawa.

Nakasuot ako ngayon ng puting dress na Lagpas tuhod ang haba. Off-shoulder siya actually. Fit siya sa katawan ko hanggan sa waist then flowy na siya. ito kasi yung binigay ni Argus kanina na suotin ko raw. Mukhang pinabili niya pa kay Fielo. I am also wearing a white heels. Inilugay ko lang din ang buhok ko at may inipit na buhok sa likod ng tenga ko.

Napatingin ako sa may pinto nang may kumatok doon.

"Are you not done yet?" narinig ko na ang bored na boses ni Argus. Mukhang naiinip na.

"Ito na tapos na" malakas kong sabi at tumayo na matapos kong magkabit ng hikaw.

Pagbukas ko ng pinto, nginitian ko siya.

"Tara na?" nakangiti kong saad. Diretso lang siyang nakatingin sa akin. Pero maya-maya'y tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nginisian ko na lang siya.

"Ganda ko no?" taas-baba ang kilay ko na sabi. But then he tsk-ed at nauna nang maglakad.

"Ito naman. Maganda ba ako?" habol ko sa kanya.

"You know the answer for your question Paris" napanguso ako.

"Oh mahirap bang sabihin ang sagot na 'yon? Dali na. Maganda ba ako? Sabi kasi ni Merry ang panget ko raw" kunot-noo niya akong binalingan ng tingin.

"She did?" I nodded.

"The hell is wrong with her eyes? Is she blind?" nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Bakit?" pigil ang ngiting ani ko.

"You are beautiful, Paris. Gorgeous" hindi ko na napigilan ang ngiti ko.

"Mas maganda pa kay Merry?" dagdag kong tanong.

"Naman" simpleng sagot niya.

"Uy kinilig naman ako. Ikaw din, ang gwapo mo. Sobra" balik compliment ko sa kanya na ikinangisi niya.

Ngayon ko lang din na narealize na matching ang suot namin. Siya naman ay nakasuot ng puting polo at brown pants. Idagdag mo pang medyo fitted sa kanya yung polo kaya kitang-kita ang kagandahan ng katawan niya. Lihim akong natawa sa aking isipan.

My husband is really handsome.

Pagkalabas namin ng bahay, sinalubong kami ni Fielo.

"Wohoho! What a beautiful couple!" kaagad niyang puri na ikinatawa ko. May suot pa siyang dslr na nakasabit sa kanyang leeg. Siya kasi ang magiging photographer namin ngayon.

"Bago tayo umalis, picture-an ko muna kayo. Bilis"

And with that, pinapuwesto kami ni Fielo. Kumapit ako sa braso ni Argus at ngumiti.

"Boss! Ngiti naman diyan oh!" dahil sa sinabi ni Fielo, napatingin ako kay Argus. Tiningnan niya rin naman ako kaya naglapit ang mukha naming dalawa.

"Yiehiie!" bigla akong napaiwas dahil muntik nang magtama ang tungki ng ilong naming dalawa. Maging siya ay napaiwas din ng tingin.

Oh ghad.

"Stop it Fielo and let's go" napatango na lang din ako.

"O-oo nga. Tara na"

------------------------------------

Napangiti ako nang makarating kami sa destinasyon namin. Hindi ko alam kung sana ito pero napakaraming bulaklak. Punong-puno ng bulaklak ang paligid. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang malakas na simoy ng hangin.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon