Chapter 8: His Family

2.2K 32 1
                                    

Her Point of View

"Rietta! Rietta!"

Napalingon ako sa paligid nang may marinig akong boses ng isang babae. Nakita ko na may batang tumakbo papunta sa isang babae. Pero hindi ko maaninag ng masyado ang kanilang mukha dahil medyo blurd ang mga ito.

"Mama! Ano 'yang dala mo?" napatitig ako sa mukha ng batang babae. Maputi siya at hanggang balikat ang haba ng kanyang buhok. Kung i-e-estimate mo, mukhang nasa apat o limang taong gulang pa lamang siya.

"It's a sword for you Rietta"

May iniabot na isang espada yung tinawag na Mama ng batang babae.

"Yehey! Hindi na arnis ang gamit ko!" mukhang tuwang-tuwa yung batang babae sa espada na natanggap niya.

Wow. Kakaiba ang batang ito. Espada ang nakakapagpasaya sa kanya. Usually, mga barbie at luto-lutoan na laruan ang gusto ng mga batang babae. Pero siya, espada talaga.

"Ipinaukit ko riyan ang pangalan mo. See it" maski ako nakita ko ang pangalan ng bata na nakaukit sa mismong espada.

Rietta...

"Alagaan mo ang espada na 'yan anak" ngumiti yung bata sa kanyang Mama.

"Of course po Mama! This is the best birthday gift for me! I love you so much!"

Hindi ko alam pero bigla akong naluha nang makita kong magyakapan iyong mag-ina. Makikita mo kasi sa kanila na mahal nila ang isa't isa.

"Mahal na mahal ka rin ni Mama, Rietta"

Nang imulat ko ang mga mata ko, kaagad akong napapunas sa aking mata dahil ramdam ko ang pamamasa nito. Tapos ay bigla kong naalala ang napanaginipan ko.

Rietta...

Sino ang batang iyon? Bakit ko siya napanaginipan?

"Paris! Hala gising ka na!"

Napapitlag ako sa kinahihigaan ko nang marinig ko ang malakas na pagtaas ng boses ni Fielo. Nakita ko siya na nakatayo na sa gilid ng kama ko.

"T-teka, anong nangyari?" nagtataka kong tanong.

"Hindi mo alam kung anong nangyari sayo?" napakurap-kurap ako.

"Tatanungin ba kita kung alam ko?" saad ko naman.

"Wait lang. Tatawagin ko lang si boss. Lumabas kasi siya dahil may kausap sa phone. Tatawag na rin ako ng doktor. Wait ka lang diyan"

Wala na akong nagawa nang magmadaling tumakbo palabas si Fielo. Inilibot ko ang aking paningin. May nakasalpak na dextrose sa akin at nang sinibukan kong umupo, kumirot ang katawan ko. Nang hawakan ko ang tiyan at likuran ko, may naramdaman akong nakapagpalaki sa mga mata ko.

May tahi ba ako!?

"Paris!"

Napatingin ako sa pinto nang malakas iyong bumukas at nakita ko si Argus na halos patakbo nang lumapit sa akin.

"Shit. Are you okay? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" kaagad niyang tanong. Napatingin ako sa kanyang mga mata.

Is he worried?

"Masakit yung likod ko" sagot ko naman.

"Ikaw naman kasi. Bakit hinabol mo pa yung lalaking kumuha sa wallet mo? Nasaksak ka tuloy sa likuran. Kaya sumasakit ang katawan mo dahil naoperahan ka"

Dahil sa sinabi niya, nagflashback ang lahat ng nangyari sa isipan ko. Mula sa pagbangga sa akin ng isang lalaki hanggang sa paghabol ko sa kanya at paglaban. But what the heck? Naoperahan talaga ako?

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon