Chapter 36: Bliss

1.8K 36 4
                                    

His Point of View

"What's taking them so long?" nauubusan na ako ng pasensiya habang hinihintay ko yung dalawa na lumabas mula sa kuwarto.

"Chill ka lang boss. Palabas na rin mga 'yon. Huwag kang mabibigla ha? Baka mahimatay ka diyan" tumatawang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"May alam ka sa kung anong ginagawa nila sa loob 'no?" nginitian niya ako.

"Sinabi sa akin ni Maya kanina" sagot niya na nakapagpaawang sa labi ko. So, ako lang talaga ang walang alam sa nangyayari?

"Then what are they doing inside?" iritado kong saad.

"Easy ka lang. Malapit na 'yan sila matapos. Sure ako. Atsaka matutuwa ka naman sa malalaman mo kaya kalma ka muna" sinamaan ko siya ulit ng tingin.

"Fuck you Fielo" tinawanan niya ako.

"My pleasure boss! Ay joke lang pala, magagalit si Maya" napaface-palm na lang ako. Inalis ko ang paningin ko kay Fielo dahil baka masuntok ko na siya sa init ng ulo.

Napaayos ako ng tayo nang makarinig ako ng pagsigaw sa loob. Muli kong kinalabog ang pinto.

"What the hell is going on there!? Sisirain ko na 'tong pinto!" malakas kong sabi. Akmang aamba na ako para sirain yung pinto nang hilain ako ni Fielo palayo doon.

"Boss sandali! Huwag mong gawin 'yan!" pumalag ako mula sa pagkakahawak niya sa akin. At nang mabitiwan niya ako, sisirain ko na sana yung pinto nang bigla itong bumukas kaya napatigil ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong umiiyak si Paris kaya kaagad ko siyang nilapitan.

"Anong nangyari? Bakit umiiyak ka? May ginawa ba sayo si Maya?" tinaasan ako ng kilay ni Maya.

"Hoy baliw. Wala akong ginawa! Tears of joy 'yan!" sabi ni Maya kaya naguguluhan akong tumingin kay Paris.

"Hey wife, what is going on? Nag-aalala na ako" sabi ko at sinalubong ang kanyang mga mata. Sa isang iglap, bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Nabigla ako pero yumakap pa rin ako pabalik.

"Argus, you are going to be a father" para akong nabingi sa narinig ko.

"W-what?" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako.

"I am pregnant. Look it's positive" ipinakita niya sa akin yung hawak niyang pregnancy test kit na may dalawang guhit.

"We're going to be parents, Argus"

Napanganga na lang ako. Parang biglang naging blangko ang utak ko. Walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi yung salitang 'pregnant'.

Putang ina. Ibig sabihin buntis si Paris!?

"B-buntis ka?" hindi makapaniwala kong tanong. Umiiyak siyang tumango habang nakangiti.

"Yes! Buntis ako. Magkakababy na tayo"

Napahawak ako sa aking labi. Sobra-sobra akong nabigla sa nalaman ko. Para akong aatakihin sa puso. The next thing I knew, nandilim na ang paningin ko.

——————————————-

Paggising ko, iyong puting kisame ng kuwarto ang kaagad na bumungad sa akin. Bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga nang malaman ko kung anong nangyari kanina. Napatingin ako sa pinto ng aking kuwarto nang bumukas ito at pumasok si Paris.

Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang gising na ako.

"Argus————" kaagad akong bumaba ng kama at tumakbo palapit sa kanya para yakapin siya ng mahigpit.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon