Chapter 24: Truth

1.8K 35 1
                                    

Her Point of View

Tuluyan nang nilamon ng liwanag ang paligid. Hindi ko na rin makita si Argus. Ang tanging nandito lang ay ako at si Mama.

"M-mama?" para akong maluluha ngayong nakikita ko siya sa aking harapan. Nginitian niya ako.

"It's me, Rietta" tuluyang tumulo ang luha ko. Mabilis akong tumayo at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap.

"Aww. Did you miss me anak ko?" mas lalo akong naiyak nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likuran.

"Ma. Sorry kung nalimutan kita. I missed you so much" umiyak kong turan.

"It's okay Rietta. It's not your fault" pinunasan ko yung luha ko at humarap ako sa kanya.

"Where are we Ma? Bakit sobrang liwanag? Patay na ba tayo?" garalgal ang boses na tanong ko. Pero imbis na sagutin ang tanong ko, nginitian niya ako at hinawakan ang aking kamay.

"Do you want to go somewhere?" tanong niya. Napatitig ako sa kamay naming magkahawak.

Bagama't hindi ko alam kung saan kami pupunta, tumango pa rin ako. Gusto kong magkasama si Mama. At sa pagtango ko, biglang nawala ang liwanag. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kaming nagpunta sa bahay na siya ring pinuntahan namin ni Argus kanina.

"Mama, bakit tayo nandito?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Dinala niya ako papunta sa sofa at pinaupo.

"Because I have so many things to tell you, Rietta" nakangiting sabi niya. Hindi ko alam pero sa ngiting iyon, kinabahan ako. 0

Umupo si Mama sa tabi ko. Napakurap-kurap pa ako dahil may hawak na siya ngayong isang photo album na hindi ko alam kung saan niya galing.

"Look at you here. You look so pretty" tiningnan ko yung itinuro niyang picture. It was me, I was still a baby and I am cuddling with a teddy bear.

"You were an only child Rietta" napatingin ako kay Mama.

"Hindi ka na nagkaroon ng kapatid because your Papa died when you were just a year old. His name is Meynard Sandoval" bumagsak ang balikat ko. Ito ba ang dahilan kung bakit walang ala-alang bumabalik sa akin na kasama ko ang aking ama?

"But he told me na palakihin kitang maayos. He wants you to grow as a strong woman, which is why I trained you. Nagulat nga ako noong malaman kong gusto mo rin ang swords, katanas. Because your father loved them too" napayuko ako.

"You love swords too Mama?" tanong ko. Nakangiti siyang tumango.

"Of course anak. Because I was born to use them" magtatanong pa sana ako nang bigla siyang magsalita.

"You've always been a lovely kid, Rietta. Masunurin kang bata at mapagmahal. Siguro kaya mo rin nagustuhan ang mga espada dahil nakikita mo kami ng Papa mo noon na ginagamit ito. At nang tuluyan ka nang magka-isip, pinilit mo akong turuan kang gumamit nito" napatingin ako sa kanya.

"Arnis pa ang una kong ipinagamit sayo dahil nag-aalala ako na baka mapahamak ka kapag katana kaagad ang binigay ko. Nagreklamo ka pa nga sa akin pero sabi ko, kapag namaster mo na ang paghawak ng arnis, saka lang kita bibigyan ng espada" ngumiti si Mama.

"You are a fast learner Rietta. Within a short span of time, namaster mo kaagad uung mga itinuro ko sa iyo. At dahil natuwa ako, nagpagawa ako ng katana at pinaukit ko doon ang pangalan mo"

Iyon ang katana na nakita ko sa ilalim ng kama.

"Hindi ko malimutan yung reaksyon mo noong araw na ibinigay ko sa iyo ang katana mo. You are so very happy and you become more determined to practice more while using it. You became a great swordsman Rietta" napangiti ako sa sinabi niya.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon