Chapter 7: Rietta

2.1K 44 2
                                    

Her Point of View

"Son, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ng asawa mo. At bakit ganyan ka makatingin sa akin? Hindi ka ba natutuwa na makita ako? Come on. Give me a hug" bumuntong hininga si Argus pero ganunpaman, binigyan niya pa rin ng yakap si Papa.

Hindi ko napigilan na mapangiti habang pinapanood ko sila.

"Why didn't you tell me na pupunta ka rito?" tanong niya nang kumalas sila sa yakapan.

"I am your father, Argus. I thought I am always welcome here?"

"Yes, you are Dad. But atleast, give me a heads up" napatango na lang si Papa at ngumiti.

"Alright. Nagdinner ka na ba?" tanong ni Papa kay Argus. Umiling naman si Argus na siyang ikinangiti ko.

"Not yet"

"That's good then. Your wife cooked a dinner" napatingin sa akin si Argus.

"You did?" dahan-dahan akong tumango.

"Ah oo. Oras na kasi wala ka pa kaya naisipan kong magluto na para pagdating mo, may makakain ka" he then smiled. And to my surprised, he hold my hand and intertwined our fingers. Tila ba nag-init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Seryoso ba siya? Nasa harapan kami ng tatay niya!

"Then let's go. Gutom na rin ako" and with that, hinila na niya ako papunta sa may dining area. At nang lingonin ko si Papa, ang lawak ng ngiti niya habang nakatingin sa aming dalawa.

"Don't get me wrong. Ginawa ko lang 'to para mas lalong mapaniwala si Dad" nailipat ko ang paningin ko kay Argus. Nang marealized ko yung sinabi niya, napatango naman ako.

"R-right. I know"

Pagkarating namin sa dining area, inihanda ko na yung mga dapat ihanda para sa pagkain. Ipinaghila ako ni Argus ng upuan kaya napakurap-kurap ako. Sumenyas siya na para bang makisakay na lang ako. Lihim akong tumango. Naninibago lang kasi ako. Dahil kung may tao man kaming pinaghahandaan, iyon na siguro ang Daddy niya.

"How about me son? Hindi mo ba ako ipaghihila ng upuan?" napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa ko. Tiningnan ko si Argus at hindi maipinta ang kanyang mukha.

"Seriously Dad?" natawa naman si Papa.

"What's wrong? Yung asawa mo ipinaghihila mo ng upuan. How about me? Come on" bumagsak ang balikat ni Argus. Kaya ang ginawa ko, hinawakan ko ang kamay niya kaya sa akin niya naibaling ang kanyang atensyon.

"Sige na. Pagbigyan mo na" bulong ko at nginitian siya. Humawak siya pabalik sa kamay ko at bahagya iyong pinisil. Tapos ay bumuntong hininga siya.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang maglakad na siya palapit sa ama niya at ipinaghila nga siya ng upuan. Tumingin sa akin si Papa at lihim na nagthumbs-up. Bahagya akong natawa at nagthumbs-up din.

And then we had dinner. Just a simple dinner. At natutuwa ako sa interaksyon nilang mag-ama. I can see that they are close and that's good.

Nagulat nga ako nang alam ng Dad ni Argus ang history ko. Mukhang pinabackground check niya na ako. Mabuti na lang at nagawan ako ni Argus ng background at iyon ang nakalap niyang mga impormasyon. Magaling si Argus kumilos. Alam niya na rin kung saan nagsimula anag lahat. Kung paano ko nakilala si Argus at kung paano kami naikasal. Pero syempre, lahat ng iyon ay gawa-gawa lamang.

Pagkatapos kumain, ako na ang nagprisinta na magligpit at maghugas ng mga pinagkainan namin.

"Dad, let's talk" natigil ako sa pagligpit ng pinggan nang marinig ko ang kaseryosohan sa boses ni Argus nang tawagan niya ang ama niya.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon