Chapter 37

861 12 4
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Maria Claudette

Buong byahe namin pabalik sa Manila ako sinermunan si Dad. Ipinahiya niya ako sa harapan nila Kuya Noah dahilan kung bakit pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.

Nasa parking lot kami ng University at halata sa mukha ni Dad na wala siya sa mood.

"Siguraduhin mo lang na maaayos ang problemang 'to, Claudette," malamig na saad ni Daddy kaya napabuntong hininga ako.

Pagka-open ko kasi ng account ko sa messenger ay dinagsa ako ng messages at karamihan doon ay pinagchi-chismisan ako sa group chat namin. Maging sila Kobe ay nag-aalala na sa akin.

Ang kinatutuwa ko, pinagtatanggol ako nila Russell.

Mabigat ang loob kong lumabas ng sasakyan at alam kong nakasunod sa akin si Dad. Siya kasi ang haharap kay Dean.

Sa hallway pa lang ng department namin ay kita ko na ang mga matang nakatingin sa akin at pinagbubulungan ako na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanila.

"'Di ba 'yan 'yong engineering student na nag-cheat sa exam kaya halos na-perfect niya ang mga test?" dinig kong tanong ng isang babae.

"Oo, siya 'yan. Nakakahiya siya. Cheater naman pala akala ko pa naman ay sobrang talino."

"Kawawa naman. Sigurado akong mapapatalsik siya sa University."

"Bagay lang sa kan'ya 'yan. Cheater na nga ay ambisyosa pa. Ano kayang nagustuhan ni Captain d'yan?"

Nakita kong naikuyom ni Dad ang kamao niya dahil sigurado akong naririnig niya ang mga sinasabi ng mga kababaihan sa harapan gilid lang namin.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang chismis na 'to lalo't malinis ang konsensiya kong hindi ako nag-cheat sa exam.

I sat there in front of the Dean's desk, my hands trembling as I tried to control the whirlwind of emotions inside me.

Mas natatakot pa ako sa gagawin ni Dad sa akin pagkatapos nito. Hindi niya ako nasaktan masyado lalo't nando'n sila Kuya Noah pero kung hindi ko malilinis ang pangalan ko ngayon, paniguradong bugbog ang matatamo ko.

Ang opisina ay tila sumisikip sa paningin ko, bawat sulok nito ay parang lumalapit sa akin. Ang matinding liwanag ng fluorescent na ilaw sa taas ay lalong nagpadama ng lamig sa buong katawan ko. Ang isipan ko ay mabilis na nag-iisip, at ang puso ko ay kumakalabog sa dibdib ko.

I couldn't believe what was happening.

How did everything go so wrong?

Dean Marcos was sitting across from me, his face unreadable. His sharp eyes were fixed on me as if he had already made up his mind. I could see the disappointment in his expression, and it made my chest ache.

I had worked so hard for this exam, and now this—this unfair accusation.

"Claudette," Dean Marcos said, his voice calm but firm, "We've reviewed the evidence thoroughly. Naimbistigahan na namin ang pangyayari, ipinaalam namin sa 'yo ng mas maaga pero hind imo sinasagot ang mga email na ipinadala namin sa iyo kaya kinailangan na naming iparating sa mga magulang mo. The results from your final exam show clear signs of cheating, dear. The answer key found in your blue book, your answers—everything points to you being involved in academic dishonesty. I know this is difficult, but the decision is final. You have failed. Napagdesisyonan namin na dahil hindi namin tinatanggap ang ginawa mo. Napagdesisyonan namin na, tanggalin ka sa school at... uulitin mo ang buong semester."

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon