Chapter 49

979 14 10
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Maria Claudette

Kinakabahan ako habang binabaybay ang daan pauwi. Sinabi ni Konnor na mauna na ako at may gagawin lang siya. Alam kong kinausap niya ang nakakita sa amin kanina. Hindi na talaga ako nawalan ng issue r'yan sa Westlington. I'm opening the gate when I hear the voice.

"Claudette?"

I freeze.

"Claudette," he repeats.

"What are you doing here? Bakit hindi ka pa umuwi, Konnor?"

"Dito ako nakatira. I live upstairs now," he revealed. Halos sumakit na ang mga ulo ko sa mga nalalaman ko ngayong araw.

Ganito ba ang nangyayari sa babaeng umalis at nawala ng limang taon?

I blink. "What?"

He nods, like it's no big deal. "Ako ang nakabili ng lupang 'to. Sinabi 'yon sa 'yo ni Nanay Leonora, 'di ba?"

I squint at him, because, seriously? "You? Live here? This place? Why? Mukhang hindi ka pa nakakausad sa nakaraan natin."

Natawa siya at siya na mismo ang nagbukas ng gate at maunang pumasok.

"Nagsalita ang hinalikan ako pabalik," bubulong-bulong niyang saad kaya naman namula ang pisngi ko.

Muling naalala ang nangyari kanina sa office niya.

Napakaboba mo, Claudette! Hindi ka man lang nagpabebe!

I roll my eyes. "K-kumusta pala 'yong nakakita sa 'tin? I'm sorry, Konnor. Baka ikasira 'yon ng trabaho mo. You're my professor..."

He raises an eyebrow. "Don't think about it, Claudette. I'll talk to Dean Faciano about my plan. Hayaan mo na 'yon. Nakausap ko na rin ni Camille."

Tumango na lang ako at umiwas nang tingin.

"K-kalimutan na lang natin 'yon," bulong ko.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung makakatulog pa ako mamaya dahil sa nangyari. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin sa mga labi ko ang labi ni Konnor.

Kanina pa rin nagwawala ang puso ko na para bang ano mang oras ay lalabas na 'yon sa ribs ko.

"Forget... huh?" natawa siya bago umiling. "May sasabihin akong importante bago ka bumalik sa boarding mo."

Seryoso ang pagkakasabi niya kaya naman kinabahan ako.

"I'm listening," I say, my arms crossed.

Nagtatapang-tapangan lang talaga ako ngayon sa harapan ni Konnor dahil ayaw kong ipakita sa kan'ya masyado na naapektuhan ako sa nangyari.

"Well," he begins, looking around, like he's checking for somone. "It's about... your cat... Koen."

I blink. Gusto niya bang makita si Koen? "Gusto mong makita si Koen? Since sa taas ka naman pala nakatira, magpalitan tayo sa kanila ni Mary kung gusto mo."

"Nah..." umiling siya at may naglalarong ngiti sa mga labi niya.

Parang sa isang iglap lamang ay nawala na ang masungit na Konnor na ilang linggo naming tiniis.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon