Hazelle's POV
"Ang punishment ay matutulog ka ng walang Rilakkuma sa tabi mo!" Sabi ni Luhan.
"Hyung wag!" Sabi ni Chanyeol. Tumatawa lang ako ng biglang sumulpot si Dea.
"Seriously? Rilakkuma?" Tanong ni Dea. Nagba-blush si Chanyeol at tumango.
"ANG CUTE~! Hindi siya nakakatulog kapag walang katabing Rilakkuma!" Sabi ni Dea. Nagtawanan kami bukod kay Chanyeol na naka-pout.
Chanyeol's POV
Alam na ni Dea! Pakyeol naman oh!
"Tsk tsk.. Sira na pagkalalaki mo Chanyeol!" Sabi ni Chen.
"Hindi kaya! Ang cute kaya! Okay lang yun! Cute rin naman siya eh~!" Sabi ni Dea. Totoo ba ito? Sinabihan ako ni Dea ng cute?! WAAAAHHH~!
"Ayyyyiiiieeeeee~ ChanDea! ChanDea!" Sabi nilang lahat.
Author's POV
Akala ni Chanyeol na lahat sila nagchi-cheer sa kanila. Ang hindi niya alam, si Baekhyun ay nag-walk out. Nagseselos siya.
"Ayyyyyiiiieeeee~ ChanDea! ChanDea!" Sabi nilang lahat habang nagba-blush sila Dea at Chanyeol.
"Tama na nga yan! Tingnan niyo sila, mukha na silang sinapak sa sobrang pula ng pisngi nila!" Sabi ni Hazelle. Tumawa ang lahat. Pagkatapos, bumalik na sila sa mga ginagawa nila. Si Hazelle ay lumabas ng bahay kung nasaan si Baekhyun. Nakita ni Hazelle si Baekhyun.
-Sana may pag-asa pa ako kay Dea.- Isip ni Baekhyun.
"Baekhyun, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Hazelle.
"Nagpapahangin lang." Sagot ni Baekhyun.
"Hindi ako naniniwala. May problema ka. Handa akong makinig. Ano ba yun?" Sabi ni Hazelle..
"Hazelle, paano kung yung taong gusto mo, may gusto sa bestfriend mo, tapos yung bestfriend mo, may gusto sa taong gusto mo. Anong gagawin mo?" Tanong ni Baekhyun.
"Ahh~ Tawag jan, Love Triangle. Gagawin ko? Papabayaan ko yung taong gusto na maging masaya sa bestfriend ko. Kasi kapag pinilit ko siya na mahalin ako, hindi siya magiging masaya. Hindi ko naman kayang pigilan yung love nila sa isa't isa. Yun yung gagawin ko. Bakit mo naman yun natanong?" Sabi ni Hazelle.
"Kasi may gusto ako kay Dea. Pero, gusto siya ni Chanyeol. Sabi ko, hindi ako mawawalan ng pag-asa na maging girlfriend ko siya. Pero, nahalata ko na may gusto rin si Dea kay Chanyeol." Sabi ni Baekhyun. May tumulong luha sa pisngi ni Baekhyun.
"Katulad ng sinabi ko, pabayaan mo siyang maging masaya. Marami namang mga babae jan na deserve ka. Wag ka ng umiyak." Sabi ni Hazelle. Niyakap ni Hazelle si Baekhyun.
Hindi nila alam, nakita ni Xiumin ang nangyari. Kakalabas lang niya galing sa bathroom. Hindi niya napigilan na magsalita dahil sa selos.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Xiumin.
Hazelle's POV
"Xiumin, kasi may pinagdadaanan si Baekhyun kaya kino-comfort ko lang siya." Sagot ko. Tapos, nagbugtong hininga si Xiumin.
"Ano bang nangyari? Kwento niyo sakin. Hindi ko sasabihin kahit kanino." Sabi ni Xiumin at lumapit samin.
Kinuwento ko ang lahat. Pero, bakit parang nakaka-relate si Xiumin? Oo, magaling ako sa magbasa ng reaksiyon sa mukha.
"Sa tingin ko, sundin mo lang sinabi ni Hazelle sayo." Sabi ni Xiumin kay Baekhyun. Tumango lang si Baekhyun.
"Itigil na nga natin itong ka-dramahan na ito. Hindi ko kinakaya. Nakaka-stress! Pasok na tayo, gumagabi na." Sabi ni Baekhyun. Pumasok kami ng nakangiti. Pagkatapos, pumunta na kami sa Living Room. 5:00 na pala. 2 oras na kami dito.
"Guys, uuwi na ako. Si Dea?" Sabi ni Hazelle.
"Hinatid na ni Chanyeol. Lovebirds kasi." Sabi ni Lay. Tumango ako at tumingin kay Baekhyun. Ngumiti lang si Baekhyun.
"Hatid na kita, slave." Sabi ni Luhan. Pinaalala nanaman niya ang kondisyon.. Haist~
"Oo na! Bye guys!" Sabi ko.
"Bye~!" Sabi nilang lahat.
Lumabas na kami sa bahay ni Luhan. Naglalakad kami ngayon.
"So.. Paano ba ako magiging slave mo?" Tanong ko.
"Okay. Sa school, susundin mo ang utos ko. At saka, pagkatapos ng school, pupunta ka sa bahay ko, susundin mo ang utos ko at lilinisin mo ang buong bahay." Sagot ni Luhan.
"Okay. 100 days lang naman. Kering-keri ng powers ko yan!" Sabi ko.
Author's POV
-At sisiguraduhin kong sa loob ng 100 days, inlove ka na sakin.- Isip ni Luhan.
"Tingnan natin kung kaya ng powers mo.." Sabi ni Luhan.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Hazelle.
"Wala. Eto na ba yung bahay niyo?" Sabi ni Luhan.
"Oo. Sige. Bye!" Sabi ni Hazelle.
"Bye! See you tomorrow, slave!" Sabi ni Luhan.
-Ano ba yan?! Paulit-ulit! Ipinamumukha talaga?!- Isip ni Hazelle.
"Mama! Andito na ako!" Sabi ni Hazelle.
"Magbihis ka na. Mamaya-maya, kakain na tayo." Sabi ng mama niya.
Yup! Maaga silang naghahapunan. Nagpalit si Hazelle ng damit. Habang naghihintay si Hazelle ng hapunan, pumunta siya sa Underground Website ng school nila. Nagulat siya sa nakita niya.
"WHAT THE #@*% !??!!!??"
~~~~~~~~
Hello! Ano kaya ang nabasa ni Hazelle sa UW (Underground Website) ng school nila? Malalaman rin natin yan!
Mukhang magle-let go na si Baekhyun. Tsk tsk! By the way, thank you sa pagbabasa!
Guys, HOPE YA ALL LIKE IT! Please don't forget to Comment and Vote! 엑소 사랑하자!