Luhan's POV
"O-oppa.." Sabi ni Hazelle.
"Anong bang ginagawa mo? Bakit ka sigaw ng sigaw, jagi?" Tanong ko.
"Ahhh.. Yun? Wala yun. Nagbabaliw-baliwan lang ako. Sorry~ Teka, bakit ka nga pala bumalik?" Sabi niya.
"Bakit ayaw mo na ba akong bumalik?" Tanong ko ulit.
"Hindi naman sa ayaw kitang bumalik.. Ayyy! Change Topic nga! May naiwan ka ba?" Sabi niya. Hahaha! Ang cute niya~
"Oo. Yung susi sa bahay." Sabi ko. Kinuha niya sa round table at ibinigay sakin. Nagpasalamat at nagba-bye na rin ako at umuwi na.
Hazelle's POV
Ohoho.. Malapit na akong mabuking dun ah~ Umakyat nalang ako sa kwarto. Humiga at inisip ang mga nangyari simula nung Monday. Nagblush lang ako sa moments namin ni Luhan.
May nagtext sakin. Si Xiumin!
From: Xiuminnie
'Hi Hazelle! Diba may Skype ka? Pwede ba tayong magvideo chat? May sasabihin ako sayo.'
To: Xiuminnie
'Meron. Diba nga friend kita dun? Masyado ka yata busy jan sa China kaya nakalimutan mo. Wait lang.. Bubuksan ko lang laptop ko.'
Binuksan ko ang laptop ko. Naglog-in ako. Tapos, nag-available na! Yey! XD
Xiuminnie99 is calling...
Sinagot ko. This is the conversation:
Me: Ano ba ang gusto mong sabihin?
Xiumin: Kasi... Hazelle...
Me: Ano yun?
Xiumin: Magpapakasal na ako.
Me: Ano?! Nung Tuesday, sinabi mo sakin na pupunta ka lang ng China.. Tapos ngayon, kasal na?!
Xiumin: Arranged Marriage ang nangyari. Dahil sa business. At saka hindi ko naman gustong magpakasal sa taong hindi ko mahal. Hindi ako nakahindi kasi nagmakaawa si mama.
Me: Okay.. Mahirap ang sitwasyon mo ngayon. Sino? Ano bang pangalan?
Xiumin: Eunji ang pangalan niya. Sabi niya, gusto ka daw niyang maka-usap..
Me: Sige! Okay lang!
Eunji: Hi! Ako nga pala si Eunji! Nice to meet you, Hazelle!
Me: Hello! Nice to meet you too! Kilala mo agad ako?
Eunji: Oo naman! Kinukwento ka sakin ni Xiumin! Mabait ka daw tapos maganda tapos matalino. Close friends kayo noh??
Me: Hahahaha! Oo, close friends kami. -Kahit nung Monday lang talaga kami nagkakilala, close na kami.. -
Eunji: Tanong ko lang.. Anong paborito niyang pagkain?
Me: Siopao! Paborito niya yun!
Eunji: Kaya pala kahugis ng mukha niya eh~
Me: Hahaha! Oo nga! Uhmm.. Eunji.. Pwede ba akong humingi ng favor sayo?
Eunji: Okay lang. No problem. Ano ba yun?
Me: Eunji, alagaan mo si Xiumin ha?
Eunji: Oo naman! Magiging asawa ko na siya eh~ Kahit arrange marriage naman, dapat alagaan ang isa't isa diba?
Me: Tama! Eto may tip ako sayo..
Eunji: Ano yun?
Me: Ang gusto ni Xiumin yung babaeng laging ngumigiti. Tapos, yung napapatawa siya. Mahilig siyang kumain kaya lagi mo siyang ipagluluto. Hihihi~
Eunji: Mahilig rin naman akong kumain! Hihi~
Me: Oo nga.. Palangiti ka pa. Naku! Pag hindi nagtagal.. Maiinlove siya sayo.
Eunji: Salamat Hazelle! O sige, bigay ko na ulit kay Xiumin para makapag-usap kayo.
Me: Okay!
Xiumin: Ano? Mabait ba?
Me: Oo! Sigurado ako aalagaan ka nun! Masayahin siya at mahilig ring kumain. Magugustuhan mo siya pag nagtagal.
Xiumin: Talaga? Mukhang magkakasundo kami sa pagkain.. Haha! O sige, bye na! Kailangan na kami sa business.
Me: Sige! Balitaan niyo nalang ako! Bye!
Xiumin: Ay teka.. Dahil ikakasal na ako.. Gusto ko lang na malaman mo na may gusto ako sayo. Yun lang.. Bye!*end call*
May gusto sakin si Xiumin? Pero, may gusto na ako kay Luhan. Sorry Xiumin. Besides, ikakasal naman na siya eh~
Bumaba ako para uminom ng tubig.
*knock knock!*
5:47 na. Sino kaya yun? Binuksan ko ang pinto at nakita ko... Si Yongguk..
Yung EX ko. Sinarado ko ulit yung pinto."Hazelle! Hazelle, I'm sorry! Hazelle let me explain!" Sabi niya habang kinakatok yung pinto. Yongguk, it's too late to explain.
"Tama na! Tigilan mo na ako!" Sabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko. Sino ba pwedeng tawagan?
1. Mama
2. Dea
3. Xiuminnie
4. JollibeeSeroiusly? Jollibee nasa speed dial ko? Letse! Yung iba hindi na maaasahan! Jonginang Contacts yan!
Si Dea nalang! Wala na pala akong pangtawag! (A/N: PUTAHAMNIDANG BUHAY YAN!!!!! -_-) Text nalang! Tinext ko si Dea. Sana mabasa niya agad...Author's POV
Nabasa ni Dea ang text. Nagulat siya sa nabasa niya. Tinext niya si Chanyeol. Kinikilig ako pero wala ng oras para mag-fangirl.
Nabasa ni Chanyeol ang text ni Dea. Nagulat rin siya sa nabasa. Lumabas si Chanyeol sa bahay niya at tinakbo ang bahay ni Luhan na malapit lang kila Hazelle. Kumatok si Chanyeol at binuksan ni Luhan ang pinto. Nakita niya nagmamadali si Chanyeol.
"Hyung! Si Hazelle! Puntahan mo si Hazelle! Nandun yung EX niya!" Sabi ni Chanyeol.
"Ano?!" Sabi ni Luhan at tumakbo papunta sa bahay ni Hazelle. Sumunod si Chanyeol pagkatapos niyang isara ang pinto. Nakita nila na kumakatok ng malakas si Yongguk sa pintuan ni Hazelle. Nagdesiyon sila na sa bintana nalang ni Hazelle pumasok.
Si Hazelle naman nasa kwarto niya. Umiiyak. Ni-lock niya rin ang pinto ng kwarto niya.
Kinatok ni Luhan at Chanyeol ang bintana. Napansin ito ni Hazelle kaya binuksan niya ang bintana. Lumabas si Hazelle sa bintana at bumaba gamit ang puno sa tabi ng bintana ni Hazelle. Aalis na sana sila pero nakita sila ni Yongguk..
"Hoy! Saan niyo dadalhin ang girlfriend ko?"
~~~~~~~
Annyeong! Medyo lame ang chapter na itech.. Bawi nalang sa next chappie! Ano kayang mangyayari? Malalaman natin yan sa next chappie..
THANKS FOR READING! 감사함니다!
Chingus, HOPE YA ALL LIKE IT! Please don't forget to Comment and Vote! 엑소 사랑하자!