Chappie 25: Leaving + Our Plan is Working!

105 1 0
                                    

Hazelle's POV

"WHAT THE #@*% ?!?!?" Napasigaw ako. Buti hindi narinig ni mama.

'[CONFIRMED] Luhan is dating Hazelle'

Nakita si Hazelle na kasama si Luhan. Inihatid ni Luhan si Hazelle sa bahay niya. Pinaghihinalaan na nanggaling ang dalawa sa bahay ni Luhan. Paano kaya magre-react ang mga fans ng EXO?

By: Anonymous_Girl77 (posted 14 minutes ago.)

COMMENTS:

BaekNotFried: Grabe.. Akala ko sila ni Xiumin. Okay lang sakin basta wag si Baekhyun!
HappinessDelight: I'm happy for them!
KkaepsongEyeliner: Bagay sila!
Yehet_Ohorat: Maganda si Hazelle, Gwapo si Luhan. Perfect Couple!
ShowerPanda: I will ship this couple!
ItsJustMe: Ayoko! Hindi sila bagay!

Nabasa na kaya ito ni Luhan? Pero, eto naman plano namin na pagselosin si Ashley.

"Dear! Kakain na!" Sabi ni mama.

"Opo! Bababa na!" Sabi ko.

Nandito na ako sa Dining Table. Iniisip ko kung magiging masaya ba ako o ewan.

"Dear, naisip mo na bang magka-boyfriend?" Tanong ni mama.

"Bakit niyo naman po naitanong yan?" Sagot ko.

"Kasi gusto ko may mag-aalaga sayo kapag umalis muna ako ng pansamantala para magtrabaho." Sabi ni mama.

"Mama, aalis po kayo?! Kailan?! Bakit?!" Sabi ko.

"Aalis ako bukas. Magtatrabaho ako sa loob ng 2 months. Sana maintindihan mo. Para satin rin naman ito." Sabi ni mama.

"Naiintindihan ko po. Pero, hindi ko po kayo maihahatid bukas sa airport." Sabi ko.

"Wag na. Wednesday bukas. May pasok ka pa. Magpakabait ka habang wala ako ha? Ibibigay nalang ni Ate Donna mo ang mga ipinapadala kong pera." Sabi ni mama. Niyakap ko siya at niyakap rin niya ako.

Tinapos na namin ang pagkain. Nagligpit na ako at naghugas ng pinggan. Pagkatapos, umakyat ako sa kwarto ko.

*Bitnaneun gotdeureun manha, geu ane jinjjareul bwabwa ♬♬♬"

May tumatawag sa akin.

"Xiuminnie is calling~"

Me: Hello Xiumin?
Xiuminnie: Hazelle, may gusto akong sabihin sayo.
Me: Ano yun?
Xiuminnie: Pwede ba tayong magkita sa InfiniTea?
Me: Okay. Wait ka lang.

*end call*

Mukhang importante sasabihin niya. Nagbihis na ako. Nagpaalam na rin ako kay mama. Pinayagan niya ako.

FASTFORWARD>>>>

"Welcome!" Sabi ng guard. Pumasok na ako sa InfiniTea.

"Hazelle! Over here!" Umikot ako at nakita ako si Xiumin na nakangiti. Pumunta ako sa kaniya. Umupo na rin ako.

"Xiumin, ano bang gusto mong sabihin?" Tanong ko.

"Ahhh..." Nawala ang smile niya.

"Ano yun?" Tanong ko ulit.

"Kasi Hazelle... Aalis ako papuntang China bukas." Sagot niya.

"Ano?! Bukas agad?! Bakit naman hindi mo sinabi agad?!" Sabi ko.

"Pasensiya ka na. Naghahanap kasi ako ng timing para sabihin sayo." Sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko. Parang naiiyak na ako. Ang daming aalis bukas.

"Sa business kasi ng family namin. Ako na kasi yung susunod na heir." Sagot niya. Tumango nalang ako.

"Okay ka lang ba Hazelle?" Tanong niya.

"Okay lang. Malungkot lang kasi ako kasi aalis ang mama ko bukas. Aalis ka rin pala bukas." Sagot ko.

"Wag ka ng malungkot! Babalik rin naman ako. Magkaka-usap naman tayo kasi may number naman ako sayo." Sabi niya.

"Uwi na ako. Yun lang yata sasabihin mo." Sabi ko.

"Hatid na kita. Gabi na kasi." Sabi niya.

FASTFORWARD>>>>>>

Nandito na ako sa tapat ng bahay ko.

"Xiumin, mami-miss kita." Sabi ko tapos niyakap ko siya. Niyakap rin niya ako.

"Mami-miss rin kita. Sandali lang ako dun. Promise." Sabi niya.

"Bye. Pasok na ako." Sabi ko. Nagba-bye na rin ako. Pagkatapos, umakyat na rin ako sa kwarto ko tapos naghugas ng katawan at nagbihis ng pantulog. Nagtext ako kay Dea.

This is the conversation:

Me: Hello! Nabasa mo na ba yung nasa UW?
Dea: Oo. Alam mo na ba na aalis na si Xiumin papuntang China?
Me: Oo eh. Mami-miss ko siya.
Dea: Ako rin!
Me: Kamusta na kayo ni Chanyeol?
Dea: Tao parin.
Me: Ayy.. Ano na? Kayo na?
Dea: Hindi pa! He doesn't know my feelings for him. Maybe sooner or later, I will tell it to him.
Me: Bongga ka mag-english!
Dea: Hahaha! HUGOT yan! Minsan lang ako mag-english noh kaya lubus-lubusin mo na! Hahaha!
Me: Hahahaha! Oo nga!
Dea: Goodnight na. Pinapatulog na ako ni motherlulu!
Me: Goodnight!

Hay... Nakaka-stress! Ang daming aalis bukas! (A/N: Dalawa lang naman!) Marami na rin Author kasi higit sa isa!

Tulog na nga ako. Ano kayang feeling na maging slave?

~~~~~~~

Ni hao! Aalis si Xiumin. Pagkakataon na ni Luhan kay Hazelle! Hindi ko nga alam kung kanino ako boto!

Eto yung nga username ng EXO members sa UW ng school nila:

HappinessDelight- Chanyeol
Yehet_Ohorat- Sehun
KkaepsongEyeliner- Baekhyun
ShowerPanda- Tao
Unicorns_10- Lay
TheCamelDinosaur- Chen
Galaxy_Fanfan- Kris
ManlyDeer- Luhan
Minmin99- Xiumin
88DancingMachine- Kai
Squishy_Dyo12- D.O
GuardianAngel1- Suho

Hahaha! Ilalagay ko sana kay Suho ay UncleGrandpa! By the way, thanks for reading!

Well guys, HOPE YA ALL LIKE IT! Please don't forget to Comment and Vote! 엑소 사랑하자! 엑소 파이팅!

BEING HIS SLAVE [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon