Hazelle's POV
Inlove na nga ako kay Luhan. Natandaan niyo ba nung sinabi ko na hate ko si Luhan? Siguro nga, totoo yung kasabihan na: 'The more you HATE, the more you LOVE'
"Dea, inlove na ako." Sabi ko.
"Talaga?! Kanino?!" Tanong ni Dea.
"Kay.... Luhan.." Sabi ko.
"OMG! Congrats! Inlove na ang BFF ko~" Sabi niya.
*DUG!*
Parang may taong nakikinig sa pinto.. Siguradong EXO Member yan.. Pero, sino? SANA WAG SI LUHAN!!
"Wag ka ngang maingay.. Maririnig nila tayo.."
"Sorry na.. Na-out of balance ako eh~"
Nagkatinginan kami ni Dea. Mukhang alam na namin kung sino..
Binuksan ni Dea ang pinto at hinila ko si Chanyeol at Baekhyun. Sinirado ulit ni Dea ang pinto."Narining niyo ang lahat?" Tanong ko. Tumango lang siya.
"Ganito. Wag na wag niyo ito sasabihin kahit kanino. Naiintindihan niyo?" Sabi ko.
"Oo. Na-curious lang kami kasi hinila mo si Dea dito sa kwarto mo. Sorry." Sabi ni Chanyeol. Nagsorry rin si Baekhyun.
"Hazelle, kung gumawa kaya tayo ng deal?" Sabi ni Dea.
"Oo nga noh.. Tama ka jan. May parusa kapag pinapahalata niyo sa mga EXO member na may gusto ako kay Luhan." Sabi ko.
"Okay!" Sabi nilang parehas
"Ikaw, Baekhyun, kakain ka ng ayaw na ayaw mong pagkain. At yun ang cucumber." Sabi ko. Tumango lang siya. Bumulong ako kay Chanyeol..
"Ikaw naman Chanyeol, hindi ka papansinin ni Dea sa loob ng 1 araw. Alam kong may gusto ka sa kaniya kaya hindi mo yun kakayanin." Sabi ko. Nanlaki ang mata niya at tumango.
"Ano yung kay Chanyeol?" Tanong ni Dea.
"Basta. Kapag paparusahan na siya, sasabihin ko na sayo. Anyway, baba na tayo." Sabi ko. Lumabas na kami ng kwarto at bumaba sa sala. Nanonood ng sila ng gag show.
"Hazelle, wag ka ng magluto. Bumibili na sila Suho hyung at Kai ng pagkain." Sabi ni D.O. Tumango lang ako.
Umupo ako sa sofa, katabi si Luhan. (A/N: Ehem..  ̄﹏ ̄) Bakit? Yun nalang yung space eh~
Nagtawanan kami ng nagtawanan. Syempre, gag show ang pinapanood namin -_-
"Hazelle, nag-eenjoy ka ba sa tabi ni Luhan hyung?" Tanong ni Chen. Binato ko ng unan si Chen at sapul sa mukha niya.
"Ano bang pinagsasasabi mo jan? Nag-eenjoy ako sa palabas!" Sabi ko. At binato ko ulit siya ng unan.
"Defensive.." Sabi ni Lay.
"Narining ko yun!" Sabi ko kay Lay. Tumawa lang sila.
*knock knock*
"Guys, we're here!" Sabi ni Suho.
"Ayy! Tulungan ko na kayo jan!" Sabi ko.
"Wag na. Okay lang. Tingnan niyo yung babae gustong tumulong. Eh kayo.. Nganga!" Sabi ni Kai. Tumawa lang kaming lahat at naghanda na para maghapunan.
FASTFORWARD>>>>>
Tapos na kaming magmeryenda.
"Hazelle, mauna na kami. See you tomorrow!" Sabi ni Kris. Nagba-bye kami sa isa't isa. Umuwi na sila sa bahay nila. Pero, nahuli si Luhan. Nang nasa pinto na siya..
"Bago ako umuwi, iki-kiss na kita ng 2." Sabi ni Luhan.
"Diba 1 lang?" Tanong ko.
"Kanina. Nung nagmamadali ka papunta sa bahay mo kasi dadaan yung ate mo, tinawag mo akong 'Luhan' at hindi 'Oppa'. Akala mo hindi ko napansin?" Sabi niya.
"Akala ko kasi hindi eh~ Hehe.." Sabi ko. Pagkatapos ko sabihin yun, hinalikan niya ako sa kaliwang pisngi ko.
"At isa pa." Sabi niya at hinalikan ang kanan kong pisngi.
"Yun lang. See you tomorrow, Jagi. Bye!" Sabi niya. And lightly kissed my lips. Pagkatapos, umuwi na siya.
Dahan-dahan kong sinarado yung pinto dahil nagulat ako sa nangyari. Hinawakan ko ang labi ko.
"KYYAAAAAAAAAAAAAAAHHHH~!" Sigaw ko.
OMG! OMG! OMG! LUHAN KISSED ME!! OMG! OMG! I NEED AIR! OXYGEN! OXYGEN! OMG! OMG! (A/N: Grabe ka, Hazelle.. 7 beses mong sinabi ang 'OMG!') Ikaw ba naman halikan ng isang napaka-gwapo nilalang!
At kung nagtataka kayo kung anong gingagawa ko.. Well, nagtatalon ako sa ibabaw ng sofa, hinahampas ko ng unan yung sahig, nagsisisigaw ako, sinasabunutan ko yung sarili ko, pinapalo ko yung kamay ko sa pader, at nagpapagulong-gulong ako sa sahig. OA ako kiligin noh? Pati sarili ko sinasaktan ko na. Hahaha! Ganun talaga~ XD
Meanwhile Luhan..
Luhan's POV
Ay naku naiwan ko pala yung susi ng bahay ko sa bahay ni Hazelle. Babalik nanaman ako.. Hayy... Di bale, makikita ko ulit si Hazelle :)
Back to Hazelle...
Hazelle's POV
Kumalma na ako. Inayos ko na rin yung mga gamit ko. Umupo na rin ako. May yakap-yakap akong unan. Naalala ko yung nangyari.. Sumigaw ulit ako at nagpapadyak..
"KYAAAAAAAAA~!" Sigaw ko.
"Jagi, bakit ka nagsisisigaw jan?" Sabi ni Luhan. Teka, si Luhan?! Anak naman ng Buddah oh! Nakalimutan kong i-lock yung pinto!
"O-oppa.." Sabi ko. Nauutal ako.
ANONG SASABIHIN KO?!?!?!?
~~~~~~~
Ni hao! Grabe kiligin si Hazelle.. OVER OVER! Pero kahit ako rin naman magiging ganun kung hahalikan ako ni Luhan noh..
Anyways, THANKS FOR READING! 감사함니다!
Chingus, HOPE YA ALL LIKE IT! Please don't forget to Comment and Vote! 엑소 사랑하자! 엑소 파이팅!