Chappie 28: Kicked Out + Fever + Weird Feeling

91 2 0
                                    

Hazelle's POV

"Luhan! Layo! I mean, Oppa!" Napasigaw ako. Nagtinginan silang lahat, pati yung nurse.

"Ayyyiiiieee~ Ang sweet ng lovebirds!" Sabi ni Sehun. (A/N: FYI, pabulong lang nung sinabi ni Luhan na tawagin siyang Oppa ni Hazelle.)

Tumingin ako kay Luhan. Nakasmirk ulit siya. LECHE! Tapos na silang gamutin kaya aalis na kami sa clinic. (A/N: Uyyyy~ Change Topic agad siya~) Shut up, Author! Nakatayo na kaming lahat. Nagba-bye na kami sa nurse.

"Naku~ Napaka-sweet naman ng couple na ito~ Napakagwapo rin ng boyfriend mo!" Sabi ni Mrs. Choi.

"Ayy Mrs. Choi~ Mahal na mahal ko po ang Jagi ko." Sabi ni Luhan at inakbayan ako. Ano ito?! Ahhh~ Yung plano pala..

"Syempre, Mrs. Choi~ Mahal na mahal ko rin po itong si Oppa~" Sabi ko habang nakangiti.

"O sige na po, Mrs. Choi. Mauna na po kami. Baka magmushy-mushy pa ang lovebirds na ito sa clinic niyo. Bye~" Sabi ni Suho.

Nakaakbay parin si Luhan. Paglabas namin, tinanggal ko agad ang kamay niya sa balikat ko.

"Wow~ Best Actor ka talaga Luhan~" Sabi ko.

"Diba sabi ko sayo.. 'Oppa' ang itawag mo sakin? Isa pa at hahalikan na kita." Sabi niya.

"Okay, Oppa." Sabi ko. Ngumiti lang siya. Ano ba namang ngiti yan? PA-FALL! (A/N: Lakas maka-Kathryn Bernardo sa She's Dating A Gangster. XD)

Nandito na kami sa Principal's Office.

"Ms. Hazelle, nakapagpasya na ako." Sabi ni Mrs.Lee. Bakit umiiyak si Ashley at Kathy? Bakit nakatungo lang ang BTS?

"Masyadong offensive ang ginawa nila. Iki-kick out ko na sila." Sabi ni Mrs. Lee. Tumingin lang ako sa BTS at kila Ashley.

"Hazelle, EXO at Dea sorry sa nagawa namin." Sabay-sabay na sabi ng BTS.

"Sorry guys.." Yun lang sabi ni Ashley at ni Kathy.

"Sige na. Umuwi na kayo." Sabi ni Mrs. Lee.

Lumabas na kami ng School. Umuwi na sila sa mga bahay nila. Ako? Maglilinis lang naman ako ng bahay ni Luhan.

"Ready ka na Jagi?" Tanong ni Luhan. Tumango nalang ako.

FASTFORWARD>>>>>>

"Simulan mo na." Sabi niya tapos umakyat sa kwarto. Bakit parang matamlay siya? Napansin ko yun simula nung nasa clinic. Mainit rin yung kamay niya nung inakbayan niya ako. Anong meron sa kaniya?

Naglinis na akong ng sala, kusina, at banyo. Susunod na ang kwarto niya. Pumunta ako sa kwarto niya at kumatok. Hindi siya sumagot, baka tulog. Pumasok nalang ako. Tulog nga.

FASTFORWARD>>>>>>

Tapos na aketch maglinis. In-on ni Luhan ng aircon pero nangangatog naman siya. Nagpapawis siya? At ang matindi, nagpapawis siya kahit MALAMIG. Nilapat ko ang kamay ko sa noo niya. Ang init niya. Jusko! MAY LAGNAT!

Author's POV

Inalagaan ni Hazelle si Luhan. Patapos na magluto si Hazelle ng soup sa kusina. Si Luhan naman, nagising na.

"Bakit may towel sa noo ko?" Tanong ni Luhan sa sarili. Pagkatapos niyang sabihin yun, sumakit ang ulo niya. Maya-maya, pumasok na si Hazelle dala-dala ang soup.

"Oh oppa, gising ka na pala. Kainin mo na itong soup mo tapos matulog ka na ulit." Sabi ni Hazelle.

"Bakit?" Tanong ni Luhan.

"Kasi may lagnat ka!" Sabi ni Hazelle at tumabi kay Luhan.

"Oh kain na. Say ahhhh~" Sabi ni Hazelle.

"Ahhhhh~" Matamlay na sagot ni Luhan.

-Ang ganda niya...- Isip ni Luhan.

FASTFORWARD>>>>>

"Magpahinga ka na." Sabi ni Hazelle habang tinutulungan si Luhan humiga.

Tumayo si Hazelle at kinuha ang pinaglagyan ng soup ni Luhan. Pero, hinawakan ni Luhan ang wrist ni Hazelle.

"Wag... mo akong... iwan.." Sabi ni Luhan. Ngumiti lang si Hazelle.

"Hindi naman kita iiwan. Ilalagay ko lang itong bowl sa kusina." Sabi ni Hazelle habang nakangiti. Tumango lang si Luhan.

Bumaba si Hazelle at pumunta sa kusina. Hinugasan niya rin ang bowl na pinaglagyan ng soup.

Si Luhan naman nakahiga at nakatingin sa ceiling..

-Hindi ko inaasahan na ang taong mahal ko, aalagaan ako.- Isip ni Luhan. Natulog na rin si Luhan.

Pagpasok ni Hazelle, nakita niyang natutulog na si Luhan ng mahimbing.
Umupo siya sa gilid ng kama ni Luhan at tiningan si Luhan. Sinusuklay-suklay rin niya ang kulay brown na buhok ni Luhan gamit ang kamay niya.

-Nasampal yata ng langit si Luhan ng sobrang kagwapuhan. Pag ito naging babae, mas maganda pa ito sakin. Hihihihi~ Ewan ko ba.. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko at parang may butterflies sa stomach ko kapag kasama ko siya? Hindi ko naman nararamdaman yun kapag kasama ko si Xiumin. Eh si Xiumin nga crush ko. Ang weird..- Isip ni Hazelle. Maya-maya nakatulog na siya... SA TABI NI LUHAN..

~~~~~~~

Hi! Ano kaya nangyayari kay Hazelle? Kasi para sakin, nararamdaman mo yun kapag inlove ka. Kayo? Sa tingin niyo? Comment niyo na!

Guys, HOPE YA ALL LIKE IT! Please don't forget to Comment and Vote! 엑소 사랑하자!

Thanks for reading! 감사합니다!

BEING HIS SLAVE [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon