Hawak ang aking ballpen ay bored na nakikinig ako sa aming professor. Pinaikot-ikot ko na lang ito gamit ang aking mga daliri. Pasulyap-sulyap ako sa orasan at lihim na nagdadasal na sana ay lunch break na. Kanina pa ako nagugutom! I didn't have my breakfast kanina kasi late na akong nagising.When I heard my stomach growled, I immediately glanced at Rei who’s just sitting next to me. I nudged my best friend and whispered. "Rei, may snacks ka ba riyan?"
Agad namang nabaling ang atensiyon niya sa ’kin. "Huh?"
"Nagugutom ako, baka may snack ka riyan." I whispered again.
"Baliw ka ba? Nasa klase tayo! Hintayin mo na lang mag-time," sagot n’ya nang hindi man lang ako tinitignan. Nakatuon na siya ngayon sa white board.
Umirap ako at padabog na tumingin ulit sa prof naming nagsasalita sa harapan.
"Damot.." I muttered.Hindi ako makapag-focus nang maayos sa klase dahil gutom na gutom na talaga ako. Sa halip ay nasa orasan lang nakatuon ang mga mata ko buong klase. After a long long wait ay sa wakas nag-ring na ang bell. I happily put my things back inside my bag at sinuot ito saka hinatak palabas si Rei.
“H-hoy, sandali! Ang mga gamit ko!” Bumalik siya sa desk niya kaya nahila rin ako pabalik dahil magkahawak-kamay kami. Dali-dali niyang sinilid isa-isa ang mga gamit niyang hindi pa pala niya nailigpit.
“Bilisan mo, mamamatay na ako sa gutom!” Utos ko naman.
Rei and I have been best friends since we were kids. Hindi na yata kami maghihiwalay nito. Simula kindergarten hanggang ngayon ay magkaklase pa rin kami.
"Calm down, Shim, makakarating din tayo sa cafeteria," natatawang sabi niya nang tapos na siyang magligpit. Hila-hila ko na kasi siya ngayon at halos tumakbo na ako papuntang cafeteria.
"Kung sana binigyan mo 'ko ng pagkain kanina e 'di hindi na ako gutom ngayon." I said with a sulking tone.
Rei laughed, her voice echoed in the hallways. "Sira ka talaga, gusto mo bang mapagalitan ka ulit ni Prof? You know it's not allowed to eat in class.” Binawi n'ya ang braso n'ya sa 'kin. "And there's no way you'll be full with one piattos, girl."
Nauna siyang naglakad patungong canteen ng FEU Tech. Siya na rin ang um-order para sa 'min habang ako nama'y naghanap ng bakanteng lamesa. Umupo ako at nilagay ang bag ko sa katabing upuan.
While waiting for Rei, I coincidentally saw Dwight entering the cafeteria with a new girl. Naka-akbay pa talaga siya rito at mukhang kilig na kilig naman ang babae habang nakayakap pa sa baywang niya. Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. What the hell!
Sakto namang dumating si Rei dala ang isang tray ng pagkain, blocking my sight of that fucking jerk. Inilapag n'ya isa-isa ang mga pagkain saka umupo sa tapat ko.
Inis naman akong humalukipkip at bahagyang nawala sa mood bigla. Rei noticed my sudden changed of mood so her brows furrowed. Tumingin ulit ako sa direksyon nila Dwight kanina ngunit nawala na sila. I sighed and took a bite of my sandwich.
"Asshole," I uttered. Nang marinig iyon ni Rei ay nilingon niya rin ang direksyon nina Dwight kanina.
"Hmm, let me guess, si Dwight na naman?" Rei shook her head. "I told you to get rid of that womanizer, Shim. He does not deserve you."
Hindi ako sumagot. I was too mad right now. Binilisan ko na lang ang pag kain ko kahit na nawawalan na ako ng gana.
Narinig ko ang munting pagbuntong-hininga ni Rei sa tapat ko. She leaned closer to me as if she was invested into something. "Why are you still sticking with him, though? Ilang beses mo na siyang nahuling may babae."
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...