"Love!" Tumakbo ako palapit kay Aziel at niyakap siya. Binuhat niya naman ako at inikot-ikot sa ere bago binaba. Napag-usapan kasi naming mag-sine ngayon kaya nagkita kami sa loob ng mall.
"Miss you," I sweetly said and encircled my arms around his neck.
Natawa naman siya. "Kakakita lang natin kahapon."
"Bakit ba? Miss naman kita palagi, e!" I pouted.
Tumawa ulit siya. Hinapit niya ako sa baywang at pumila na sa may bilihan ng popcorn. Medyo mahaba-habang pila pa 'yon kaya tiis-tiis muna kami sa paghihintay. Nang nakabili na kami ay pumasok na kami sa loob. Nakahawak lang ako sa kamay niya buong movie dahil sobrang intense at thrilling ng movie. Lagi akong kinakabahan sa mangyayari! Napasigaw pa ako no'ng may nakakagulat na eksena kaya napalingon sa 'kin ang ibang nanonood.
Hindi lang naman ako ang sumigaw, ah? Though mas malakas ang boses ko.
Tumawa si Azi kaya hinampas ko siya. Sinubsob ko saglit ang mukha ko sa braso niya dahil sa hiya. Ang bango bango niya talaga.
"How's the movie?" tanong niya noong nakalabas na kami sa sinehan.
"Hmm... 8/10! P'wede na!"
We're still holding hands while playfully swaying it together like we were grade schoolers.
"Apparently, this is our first date pa lang, 'no?" Sabi ko sabay tingin sa kan'ya. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko, hindi yata ako na-gets.
"Kasi nga, 'di ba, lahat naman ng nangyari sa 'tin doon sa realm na 'yon ay hindi totoo. So basically, parang hindi counted iyong moment natin doon dito sa real world. Tignan mo naman si Dwight, akala mo talaga ay nagbagong-buhay na. Iyon pala, it was all just a dream all along!" I explained. Ginawa ko pang example si Dwight."So... by saying that everything that happened there was not real at all... Are you also insinuating that it's also not true that we actually fell for each other?" Azi raised his brows on me.
"Huh? Hindi, ah! Wala akong sinabing gano'n!" Depensa ko kaagad.
"Everything may seemed fake there for you, but it's all real for me. Especially the feelings I have for you, totoong-totoo," Azi uttered softly.
Nagtungo kami sa isang restaurant para mag-lunch muna. Pagkatapos ay naglibot-libot kami dahil sinusulit talaga namin ang moment na magkasama na ulit kami. And take note, as couples! For real! Kinikilig tuloy ako.
Noong maghapon na ay saka niya ako hinatid pauwi. Muntik pa silang magkasalubong ni Mommy dahil saktong kararating lang ng kotse ni Mom at saktong papaalis na palayo ang kotse ni Azi. Nakita kong binuksan ni Mom ang bintana ng kotse para tanawin ang kotse ni Aziel.
"Who was that, sweetie?" Iyon kaagad ang binungad ni Mommy nang makalabas siya sa kotse. Kilala kasi niya ang mga private vehicles ng mga kaibigan ko kaya naitanong niya kung sino iyong kanina. Sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Halatang kagagaling lang ni Mommy sa workplace niya dahil naka-corporate attire pa siya.
"Uh..." hindi ko alam ang isasagot ko! Sasabihin ko bang si Aziel? Paano ko ba dapat siya ia-address? As my boyfriend? A friend? Someone who saved my life?
"S-si Aziel, Mi," ang tangi ko lamang naisagot."Aziel?! Aziel Falexio? Was that him earlier?!" Gulat na bulalas ni Mommy.
Tumango ako.
"You two finally met? Nagka-usap na ba kayo? Ano? Nakapagpasalamat ka na ba? We owe him big time, Delancy." Sunod-sunod na tanong ni Mommy, gulat pa rin ang ekspresyon sa mukha na parang hindi makapaniwalang si Aziel nga iyong kanina.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...