CHAPTER 39

66 3 0
                                    

Warning: R18+

1 week na lang ako sa Pilipinas. Ang bilis ng panahon. Parang naging mabilis bigla ang ikot ng mundo. Tapos na rin ang bahay ko sa wakas. Furnishing na lang. Wala pa akong budget doon kaya wala pang laman ang loob. Mag-iipon pa lang ulit ako.

Ngayong malaya na ang puso ko, parang naging magaan na rin sa 'kin ang lahat. Nakakangiti na ako nang tunay, and everything just felt different. I haven't been this carefree in a long time.

Akalain mo 'yon? The person who caused me so much pain before was also the same person who healed me. Siya lang din pala ang gamot sa sugatan kong puso.

A small smile was formed on my lips when I saw Azi making his way to me. He was just wearing something casual.

"I saw the note! Hindi pa nga tayo ay tinatanaw mo na ako bilang future wife!" Sambit ko kaagad nang makarating na siya sa harapan ko. Kinuha ko pa ang note mula sa sling bag ko at pinakita sa kaniya.

Tumawa si Azi at kinuha ang sticky note mula sa kamay ko at saka dinikit sa noo ko. Agad naman iyong nahulog kaya sinalo ko.

Pinagsiklop niya naman ang kamay naming dalawa. "Saan ba tayo dadalhin nitong ginagawa natin, Shim? Hindi ba ay roon din?" He replied.

Sinundo niya ako sa condo ko dahil may pupuntahan daw kami. He wanted me to spend my remaining days in the country with him. Para namang hindi niya ako kayang puntahan abroad o hindi na ulit kami magkikita.

"Saan tayo?" I asked while fastening my seatbelts.

"Saan mo ba gusto?"

Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Don't tell me you don't have plans?"

"I am just asking, Shim. Hindi kita kukunin dito kung wala akong plano. I am not that stupid," seryoso niya namang sagot.

Nagpakahalumbaba na lang ako sa kinauupuan ko.

Aziel took me to a fancy date. Simple yet fancy. Isang araw kaming magkasama tapos kinabukasan ay may inasikaso siyang trabaho kaya hapon na ulit niya ako napuntahan sa condo ko. Lagi niya akong pinupuntahan kapag may vacant time siya tapos lalabas kami.

The next day, I decided to stay in my house to spend time with my parents again. Minsan ay late na silang nakaka-uwi kaya tuwing dinner ko na lang sila nakakasama.

Nangunot agad ang noo ko nang makita si Ate Millet na may hawak na tray at gamot at isang basong tubig ang nakalagay. Paakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay namin kaya sinundan ko siya papunta sa kwarto nina Daddy.

Nang pumasok ako ay nakita ko si Daddy na nakasandal sa head rest ng kama habang iniinom ang dalang gamot ni Ate Millet. Nabigla agad siya nang makita akong nakasandal sa frame ng pintuan. His eyes widened as if he was just caught of doing something that has to be hidden.

"Are you taking maintenance? What for?" I immediately interrogated. Lumapit agad ako kay Daddy at umupo sa gilid ng kama. Lumabas na rin si Ate Millet pagkatapos niyang painumin ng gamot si Dad.

Nakita ko naman si Mommy na kalalabas lang galing ng bathroom at nakasuot pa ng bath robe kaya ibinaling ko ang atensiyon sa kaniya.

"Mi, is something wrong with Daddy's health? Why is he taking medicine?" I asked.

Mom stopped her pace in surprise. She immediately shared a look with Dad. It was as if they were both telepathically communicating through their eyes. My brows furrowed even more.

"Don't you dare hide it from me!" I warned them, my eyes were glaring at them. "What's going on?"

"It's just vitamins, Delancy. Your Dad is okay," Mom answered and chuckled before she finally went inside her walk-in closet to change.

PHANTASMAGORIA Where stories live. Discover now