CHAPTER 2

62 10 0
                                    

Dinig na dinig ko kaagad ang malakas na tugtog mula sa stereo ng club pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob.

I was wearing a black bralette layered with a see through top. Naka-black tight skirt lang din ako at black knee-high boots. I also tied my hair in a high ponytail at naka-light make up ako. 

Girl in black tayo ngayon dahil medyo sawi tayo sa pag-ibig.

“Stunning,” bungad sa 'kin ni Rowan nang makita ako. Bumeso ako sa kan'ya. Sinalubong din ako ng yakap nina Naia at Rei na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. Nakipag-fist bump naman ako kay Cloud, ganito ang paraan ng pagbati naming dalawa.

Naia's wearing a red backless night dress while Rei's only wearing a white off-shoulder crop top and ripped jeans.

“Let's go?” Aya ni Rowan sa akin at iminuwestra ang daan patungo sa table namin .

“Let's go!” Excited na sabi ni Naia. Agad nila akong hinila dalawa ni Rei papunta sa table namin.

“Let's go party whoo! Sigaw naman ni Rei at tinaas pa ang isang kamay at excited na winagayway sa ere.

“Let's go boozing!” Saad naman Cloud na halata namang excited.

Nakarating kami sa isang round table na may anim na high chairs. Agad naman na um-order ng isang bucket ng beer itong si Cloud pagka-upo. Mga lasinggero talaga!

Nagsimula nang uminom sina Rowan at Cloud nang dumating ang order nila. Nagtatawanan ang dalawa sa pinag-uusapan nila. Si Naia naman ay nagtawag ng waiter. “6 shots of vodka,” aniya rito. 

Pumalakpak at sumigaw sina Rei at Naia nang dumating na ang vodka. Walang pasabing ininom agad nila ito. Ngumiwi ako at ibinaba ang mga hawak nilang shot glass. “Easy guys, dahan-dahan lang,” saway ko sa kanila.

“Girl, ano ba! Mas magandang sumayaw sa dance floor kapag tipsy ka! Mas exciting!” Naia giggled and drank again.

Ang sabihin mo, mangha-hunting ka na naman ng lalaki!” Tumawa ako at umiling.

“Duh? Hello? No boys, no thrill!” Agaran niyang sagot. Tumawa na lang ako at uminom sa Cosmo ko. Pass muna sa hard liquor at magmamaneho pa ako pauwi.

Maya-maya pa ay tumayo na sina Cloud at Rowan. Tumayo na rin si Naia at hinila kaming dalawa ni Rei sa dance floor.

Sa aming babae, si Naia ang pinaka-party goer kung kaya ay ganito siya ka-hyper. Nang makarating kami sa dance floor ay nagsimula na silang sumayaw habang ako ay nakatayo pa rin sa gitna. Hindi ako mahilig sumayaw at mas lalong hindi ako palasayaw kaya hindi ko alam ang gagawin ko sa gitna ng dance floor.

I saw Rowan already dancing with a girl not so far from us. Hindi ko na rin makita si Cloud, he's just probably around. Baka nagyosi lang.

“Dance, Shim!” kinalabit ako ni Rei nang napansin niyang nakatayo pa rin ako na parang estatwa at hindi man lang gumagalaw.

Bumuntong-hininga ako at napilitang umindayog kasabay ng tugtog. Enjoy the night, Shim. Ngayon lang ’to. Bukas, mai-stress ka na naman sa rami ng schoolworks!

Iginala ko ang aking paningin habang sumasayaw nang biglang mahagip ng mga mata ko si Aziel. I even cleared my vision more to confirm if it's really him and it was!

He's with another 2 handsome guys and he's laughing with them. Napahinto ako sa pagsayaw nang bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Ang kaninang nakatawa niyang mukha ay naging seryoso. Naistatwa ako, ang kanina ring mahinahon na tibok ng puso ko ay bigla na lang bumilis na para bang nasa karera ito. Tinignan niya ako mula paa hanggang sa huminto siya sa mukha ko.

PHANTASMAGORIA Where stories live. Discover now