CHAPTER 1

73 11 0
                                    


Delancy, sweetheart, are you ready?”
My mom knocked at my room's door.

Almost done, Mom!” Sagot ko naman habang pinapatuyo ang buhok gamit ang hair-dryer.

Alright, we'll wait you downstairs, okay?”

“Okay!”

Pagkatapos kong  patuyuin ang buhok ko ay sinuklay ko ito. Hindi ko maiwasang maalala na naman ang lalaking nagligtas sa 'kin habang tinitirintas ang buhok ko at nakaharap sa salamin.

That deep set brown eyes... That brown eyes that almost melted me!

Why can't he just leave my mind? Argh! I shook my head and stood up to change my clothes. I only wore a white t-shirt layered with a soft black jumper skirt partnered with white shoes. I went downstairs at sinalubong naman ako ng ngiti ni Mommy. I hugged her tight.

Hey, it's fine, sweetie..” Niyakap niya ako pabalik at hinaplos ang likod ko.

After almost a minute, I finally pulled away from the hug and smiled at Mom. 

We're going to visit my Kuya's grave. It's his 2nd death anniversary today. During this time, I was really sensitive. Close ako sa Kuya ko kaya ganito na lamang ang reaksyon ko sa tuwing death anniversary niya. Ayoko ring pag-usapan ang dahilan ng pagkamatay niya dahil baka mahimatay lang ako sa kakaiyak kapag naaalala ko ulit.

Kuya Dylan was an excellent car racer. The day he wrote a letter for me, I was at home recovering from a fever. Hindi ko napanood ang huling karera niya. He said that he's going to go back home champion but he never fulfilled that promise. He went home dead because of an unexpected car accident during his race. I was very devastated. 

That incident was still fresh to me kahit na dalawang taon na ang lumipas. Kapag naaalala ko ulit ay kumikirot pa rin ang dibdib ko.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa puntod niya. I placed the basket of flowers beside his tombstone and knelt down to light the scented candles we bought earlier. Umupo ako sa tapat ng lapida niya at hinawakan ang pangalan niyang nakaukit sa bato. Tumabi na rin ng upo sa 'kin sina Mommy at Daddy.

I lost the letter you gave me..” I whispered and chuckled. “Hindi ko naman sinadya 'yon, nilipad ng hangin, e..” I bit my lower lip when I was about to cry again. “Sorry... Sulatan mo na lang ulit ako, Kuya.” I jokingly said as if he's going to respond.

Sumandal ako sa balikat ni Daddy at inakbayan niya naman ako habang hinagod-hagod ang braso ko. We were silent for minutes as if we're talking to him silently. Pagkatapos no'n ay umuwi na kami. Nagkulong lang ako sa kwarto ko buong araw, hugging the picture of me and my Kuya.

Mabilis ang oras kaya kinabukasan ay kailangan ko na namang pumasok. Wala naman akong choice kung hindi ang pumasok kahit na ayaw ko nang mag-aral. Charot.

Shiiimm, good morninggg!” Bungad sa 'kin ni Rei pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng kotse. Hatid-sundo kasi ako ng driver namin. Sinalubong ako ni Rei at niyakap. Bumeso rin siya saka excited na hinila ako papasok sa building.

Gaano ba siya katagal nag-abang sa 'kin dito sa labas? Ang babaeng 'to talaga.

Rei then squealed while shaking me. “O to the M to G!!!”

Ano ba, Anshireina!” Iritado kong sabi saka tinabig ang kamay niyang nasa magkabilang balikat ko. Nahihilo na ako sa kakayugyog niya sa ’kin!

Huminto muna kami sa paglalakad, nasa labas pa rin ng building. Hindi ko rin alam sa kaibigan ko at huminto pa para lang tumili.

May chika ako, girlll! Bakit ka ba kasi absent kahapon? Ano ba ’yan!”

PHANTASMAGORIA Where stories live. Discover now