CHAPTER 6

68 6 0
                                    

Bumili kami ng materials ni Azi para sa pagpe-paint. Marami-rami ang mga tao sa labas kaya nahihirapan akong sumunod sa kan'ya pagkatapos namin. Mas matangkad siya sa 'kin kaya mahaba ang biyas niya. I still tried to catch up with him and he probably noticed it so he walked slowly.

At kung minamalas ka nga naman, kumalag ang sintas ng sapatos ko kaya yumuko ako para itali ulit. Tinignan ko si Azi pero nawala na siya sa paningin ko. Ano ba 'yan! Ang dami pa namang tao, pa'no ko siya hahanapin?

Dali-dali kong tinali ang shoelace ko nang may tumulong sa 'kin. Pagkatapos niyang itali ay tumayo na kami.

“Shit akala ko iniwan mo na ako!” Kinakabahan kong sabi kay Aziel.

Azi just smiled. “Akala ko rin nawala ka na sa 'kin.”

“Huh?” Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

“Nawala ka sa tabi ko," he clarified.

Napakamot ako sa ulo ko. “Ah, oo maraming tao, e kaya 'di kita mahabol.”

“Hold these for a moment...” binigay niya sa 'kin ang mga plastic bags ng binili namin kanina na siya namang kinuha ko agad.

May kinuha siya sa bulsa niya. A handkerchief. He tied the tip of his handkerchief around my wrist and the other one around his.

“What are you doing?” Nagtataka kong tanong habang pinapanood siya.

Tumingin siya sa 'kin. “Para 'di ka na mawala, sagot niya at binawi ang mga plastic bags mula sa kamay ko pagkatapos niya kaming itali sa isa't-isa sa iisang panyo. Nagsimula ulit kaming maglakad pero mas mabagal na ngayon. Nahihila niya na rin ako kaya nakakasabay na ako sa kaniya.

I was smiling like crazy until we arrived in front of our building. Sumasakit na nga ang pisngi ko sa kakangiti. Tinali niya lang naman ako sa kan'ya dahil bawal kaming magkahawak. Ang witty! Ngayon ay nakatayo na lang kaming dalawa nang magkaharap. Hinihintay kong magsalita siya dahil mukhang may sasabihin pa siya.

“Ihahatid ka ba ni Sy mamaya?” tanong niya bigla nang hindi man lang ako tinitignan at abala sa pagkalas ng panyo sa aming dalawa.

“Hindi, susunduin ako ng driver ko,” sagot ko naman habang pinapanood siya sa ginagawa niya.

“Boyfriend mo?” There, he finally looked at me, nakita kong ibinalik niya sa bulsa niya ang panyo niya.

“Luh, mukha ba akong pumapatol sa mga driver, Azi?” I awkwardly laughed.

Natawa siya sa sinabi ko, “Sy, I mean.”

“Ah.. si Dwight? Hindi, 'no! Manliligaw ko.”

Tumatanggap ka pala ng manliligaw?”

“Oo naman, bakit hindi?”

Tumango-tango siya. “When are we going to paint?”

“Siguro sa weekend na, ano?”

“Weekend it is.” He smiled at me.

“Saan tayo?” Tanong ko.

“Leave it to me, I know a perfect place.” He playfully winked at me.

Pagkatapos ng klase namin ay umuwi na kami ni Rei. Excited na excited tuloy akong mag-weekend. Minarkahan ko pa ang calendar ko. See you on Saturday, Mr. Falexio! I giggled to myself.

Noong nag-Friday ay nag-aya itong si Cloud uminom sa condo niya. In-invite daw niya 'yong teammates niya kaya nag-G kaagad si Rei dahil alam niyang nandoon si Leiji. Pinuntahan niya pa ako sa bahay para hindi na ako makatanggi sa inuman. Dinala ko ang kotse ko papunta sa condo ni Cloud. Pagdating namin ay binungad agad kami ng malakas na music. Nandito rin sina Naia at Rowan na nakikipag-paligsahan sa pagkikipag-inuman.

PHANTASMAGORIA Where stories live. Discover now