Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Nakalimutan ko palang takpan ng kurtina ang bintana kagabi. Napalingon ako sa katabi ko at agad na ngumiti.
Ang pogi naman ng bungad ng umaga sa 'kin!
Bumangon ako at nag-unat. Tinitigan ko muna saglit ang natutulog na mukha ni Aziel saka chineck kung nilalagnat pa ba siya. Medyo mainit pa siya kaya binasa ko na lang ulit ang bimpo niya bago nilagay ulit sa noo niya. Tulog na tulog pa rin siya kahit na sikat na sikat na ang araw.
Nag-text ako kay Mommy na sa bahay ng kaibigan ko ako natulog kagabi para hindi na siya mag-alala. Nanghingi rin ako ng update kay Rei regarding sa first period namin dahil alam kong masyado na akong late para humabol sa klase. Nag-reply naman agad siya. Ang sabi niya ay puro discussion lang naman daw ang ginawa the whole period so I felt relieved. Susunod na lang ako mamaya sa second subject ko.
Na-low batt ang cellphone ko kaya naghanap ako ng charger sa bag ko pero hindi ko pala nadala. Gusto ko sanang manghiram kay Azi pero tulog pa siya kaya hinalungkat ko na lang ang drawer ng side table niya. Mamaya na lang ako magpapaalam sa kan'ya kapag gising na siya.
Wala akong nakita kaya lumipat ako roon sa study table niya. His table was messy. Ang daming papel at libro ang nakakalat. Including pens and highlighters.
Naghanap ako sa drawer ng study table niya at hindi naman ako nabigo dahil nakahanap ako. Agad ko itong kinuha at ginamit. Nahagip ng mata ko bigla ang isang librong nakasarado nang ayusin ko ang mga nakakalat sa mesa niya. The book was all about informations about dreams. Pagbukas ko ay halos may highlights ang lahat ng pages ng libro. While flipping the pages, a white paper suddenly fell from the book.
Pinulot ko ito at tinignan ang nakasulat. Nagtaka agad ako dahil puro 5:45 PM ang nakasulat sa papel. He filled the whole paper with this exact same hour. May nakasulat ding 5:40 PM sa likod ng papel.
'5 minutes before the incident..'
Iyon ang nakasulat sa ibaba ng numero.
Mas lalo akong nagtaka. What incident? What's with this hour?
Napansin kong may maliit na nakasulat sa pinakadulo ng papel sa itaas na bahagi. I narrowed my eyes to have a clearer sight of what's written on the upper edge of the paper. Masyado talaga kasing maliit.
“It was twilight then. Something unexplainable happened after the incident...” Pagbasa ko sa nakasulat. Mas lalo akong natuliro. Ano ba ang nangyari sa mga oras na 'to? What was he talking about? Ano'ng ibig sabihin niya? Nito? At bakit niya sinulat ang mga oras na ito? May kinalaman ba ito sa misteryo niya?
Agad kong binuksan ang cellphone ko at tinignan ang oras. Gaya ng inaasahan ay 5:45 PM ang nakalagay sa orasan. Kinabahan ako bigla sa hindi ko malamang dahilan. Mas lalo lang dumami ang mga katanungan sa isipan ko na hanggang ngayon ay wala pa ring sagot.
Sunod kong sinilip ang orasan sa cellphone ni Azi. My heart throbbed even faster when I saw the time. It's the same as mine... 5:45 PM. Sinet na niya ito rati, ah? Bakit hindi kami makaiwas sa oras na ito? Anong mayroon sa mga numerong ito? Napansin niya rin kaya iyon?
I immediately roamed my eyes around the 4 corners of the room to find a clock but I found nothing. I even searched for any kind of clocks around the condo pero wala siyang ni isang orasan man lang. Parang sa bahay lang din namin na wala ring kahit anong orasan. I even checked Azi's wrist but he has no watch either. Napahilot ako sa sentido ko at napa-upo sa kama ni Aziel. Bakit walang mga orasan? Bakit parang nawala ito? Matagal ko na talagang napapansin na parang nawala ang orasan sa paligid ko. They just disappeared like a bubble...
Nagulat ako nang maramdaman ang balahibo ni Yona sa binti ko. She's rubbing her fur on me.
“Shim?” Pagtawag sa 'kin ni Azi. Naibaling ko agad ang tingin ko sa direksyon niya at binuhat si Yona para ipatong sa lap ko.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...