Umuwi akong mabigat ang loob. I wanted to burst into tears already but I couldn't because I wasn't in my bedroom yet. Pagkaakyat ko sa ikalawang palapag ng bahay namin ay nakita ko agad sina Mommy at Daddy na papasok pa lang sa kwarto nila. They're still wearing their business attires at mukhang kakauwi lang nila.
Napalingon silang dalawa sa 'kin nang mapansin nila ang presensya ko. Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko para pumasok na sana pero biglang nagsalita si Mommy. Baka mahalata nilang hindi ako okay!
“Did you have a bad day, Delancy? You looked dumbfounded?” Mom inquired. She sounded worried. Sabi na at mahahalata talaga nila!
I immediately forced myself to smile to hide my pain. I hemmed before fixating my eyes on her. “Wala po 'to, Mi.”
Mom walked closer to me, she was unconvinced. “Kilala kita. I can feel it. What's wrong?”
I gulped. I played with my fingers. I didn't want to cry in front of my parents. “Wala 'to, Mi, okay lang po ako. Kumain na ho ba kayo?” Iniba ko agad ang usapan.
“Not yet, ikaw?” Si Daddy ang sumagot kaya nailipat ko ang tingin ko sa kaniya.
“K-kumain na po ako.” Iniwas ko ang tingin ko, feeling guilty because I just lied to my parents. Wala akong gana ngayon. Gusto ko lang na magmukmok at ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon.
“Very good. Are you tired? Magpahinga ka na,” Mommy softly said and planted a kiss on my forehead.
“Sige po, kayo rin po.”
Naisandal ko agad ang sarili sa likod ng pintuan ng kwarto ko pagkatapos kong pumasok sa loob. I cried all my devastations.
Malalim na ang gabi noong nagising ako. Nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Naka-upo lang ako sa sahig habang yakap-yakap ang tuhod. Mahapdi na ang mga mata ko sa kakaiyak at alam kong namumugto na rin ang mga ito.
My stomach suddenly growled. Nagugutom ako. Tumayo ako at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Patay na ang lahat ng ilaw sa paligid kaya in-on ko na lang ang flashlight ng cellphone ko para gawing ilaw patungo sa kusina.
Naghanap ako ng makakain sa ref. Tanging kaluskos ko lang ang maingay kaya ingat na ingat ako sa galaw ko.
“I thought you already ate?” Nagulat ako sa boses ni Mommy. Napatalon ako sa gulat at agad na lumingon sa likuran ko sabay tapat ng flashlight ko sa kinaroroonan ni Mommy.
She's drinking water. Nakasuot na siya ngayon ng pangtulog at naka-ipit pa ang buhok niya sa bun.
“I did! Nagutom lang po ulit!” Pagpapalusot ko naman. Dang, another lie. Minus 20 na ako nito sa langit.
I heard her sighed, “Your eyes are puffy. Tell me what's weighing you down. Mommy will listen...”
Natahimik ako sa sinabi niya. Nagbadya ulit ang luha sa mga mata ko. Ilang segundo akong napatitig sa kan'ya habang iniisip kung sasabihin ko ba ang nararamdaman ko o hindi. Sumikip ulit ang dibdib ko. Sinarado ko ang ref at lumapit kay Mommy para yakapin siya. I cried on her shoulders.
“A-alam ko na kung sino ang dahilan ng p-pagkamatay ni Kuya. Masakit. Masakit kasi kilala ko mismo 'yong taong 'yon. I couldn't believe it was him. Hindi ko matanggap...” I confided. Hindi ko matanggap dahil ang taong nagpapatibok ngayon ng puso ko mismo ang dahilan kung bakit nawala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Mommy's eyes widened by my sudden mention of my late brother. “Are you putting the blame on that person?” She asked, hugging me now. Hindi niya ako pinatahan at hinayaan lang akong umiyak sa mga balikat niya. She knew that crying would be the best way for me to express my pain.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...