"End of story."
Nabalot kami ng katahimikan. Kaluskos lang mula sa mga damo ang maririnig at ang mga munti naming hikbi. Kinuwento lahat ni Aziel sa 'kin ang mga nangyari simula sa pinaka-una hanggang sa natapos. He did all the talk and I was processing all he said.
Pinunasan ko ulit ang mga luha ko gamit ang panyo niya. Parang nanuyo ang lalamunan ko sa lahat ng sinabi niya. Siya naman ay tuyo na ang mga luha sa pisngi at ngayon ay natulala na lang. Mabibigat ang mga hiningang binibitawan niya.
"Azi," pagtawag ko bigla. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang sasabihin ko at kung saan ako magsisimula. Marami akong pagkakamali noon. Sobrang dami pala. "I'm sorry.." bulong ko. I should have had listen to his side of story first before I went outburst. I was so wrong. I did him wrong. Pero masisisi ba niya ako? Masyado pang magulo noon. Magulo na nga ang isipan ko tapos iyon pa ang makikita ko sa kwarto niya. May mali ako. Ngunit may mali rin siya.
Umiling siya. "It's okay now."
"No, I'm really sorry. For everything.." I sighed. "I was wrong. Masyado akong nagpadala sa emosyon."
Narinig ko ang munting pagbitiw niya ng buntong-hininga. "Sorry din. For hiding things from you," he leaned on the backrest. Aziel's eyes fixated on the bright full moon. It was already late in the evening. "God, I've been waiting to be heard for years. It felt so good.." Parang nabunutan siya ng malaking tinik sa puso ngayong nasabi na niya ang lahat sa 'kin. He looked so carefree now. Hinahangin ang buhok niya at nakangiti siyang nakatingala sa langit.
I smiled a little and nodded my head slowly. "I'm proud of you for reaching this far all by yourself.."
All by himself. Working student siya. It must have been hard for him knowing that he was born in a silver spoon. He's brave for taking the risk and chose to give up his luxurious life just for love. Aziel was one of a kind man. Hindi lahat ng lalaki ay kayang gawin iyon para sa pagmamahal. I felt lucky somehow dahil minahal ako ng isang Aziel Falexio. I never knew this kind of love actually existed in real life until he proved it to me. It was selfless and selfish at the same time.
At wala man lang ako sa bawat tagumpay na naabot niya sa buhay niya. Si Harukiah ang nandoon sa mga panahong iyon. I chose to let him go. I chose to give up our relationship. I chose to leave. Without listening. Without giving him a chance to explain himself..
"How's your relationship with your father now?" I asked. Pinasadahan ko siya ng tingin bago dumapo ulit ang mga mata ko sa langit.
"We're okay now, I guess? At least, we're being civil to each other." Aziel shrugged his shoulders.
Tumango-tango ako. "Hindi ka talaga bumalik sa puder niya pagkatapos ng lahat?"
"What's the point?" Tumingin siya sa 'kin. "I don't like my life there."
"Si Harukiah?"
"Ninong ako ng anak niya." Aziel laughed a little.
I nodded. The cold breeze blew again so I had to hug myself. Malamig ang hangin at maikli ang manggas ng dress ko kaya gininaw ako. Naka-halter dress lang ako.
"Bumalik na tayo sa venue," aya ko sa kaniya. Lumalalim na rin kasi ang gabi at masyado ng malamig ang hangin.
"Your make-up is all ruined. Are you sure you still want to go back to the venue?" He worriedly asked.
Tama nga naman. Wala na ako sa itsura para makipagsaya pa roon. At isa pa, baka mahalata nilang kagagaling ko lang sa iyak. "Oo nga pala," nagpakawala ako ng mahinang pagtawa. "Babalik na lang ako sa hotel room ko.."
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...