“Sumilong muna tayo, Azi. Umaambon na, oh. May sakit ka pa naman.” Marahan kong hinaplos ang buhok niya. Halos isang minuto na kasi kaming nakatayo rito habang magkayakap. Hindi pa rin ako pinapakawalan ng lalaking ito.
“5 seconds more...” Azi sobbed. He's crying on my shoulders. “I'm sorry it took me weeks to finally tell you my discovery. I was just that scared. I'm also sorry for causing you pain...” Mahina ang boses niya.
Bumuntong-hininga ako. “Aaminin ko, Azi. Nainis ako sa 'yo no'n pero hayaan mo na. Ang importante ay sasabihin mo na ngayon. Saka okay na ako, huwag mo ng isipin. Sorry rin. Mali rin akong hindi kita pinakinggan.”
“It's fine...” he whispered. Sa wakas ay bumitiw na siya. Sumilong kami dahil lumakas ang ulan. Silence pervaded us. I was waiting for him to speak first. I could tell that Aziel was in deep thought. He was lost in it. Tahimik kong isinilid sa bag ko ang hawak kong bulaklak na gawa sa yarn. Ito 'yong binigay niya kanina.
Napalingon ako sa kan'ya nang marinig ko siyang tumikhim. “Ipangako mo sa 'king magiging kalmado ka kapag sinabi ko na sa 'yo ang lahat,” panimula niya.
Wala pa man din ay nagsimula na akong kabahan. Masyadong intense ang binibigay niyang atmosphere sa 'kin. Huminga ako nang malalim bago nagsalita, “Hindi ko maipapangako. Depende pa rin iyon sa sasabihin mo,” ani ko, sinusuot na ulit ngayon ang bag ko.
Aziel nodded his head slowly. He clicked his tongue against his teeth. His eyes fixated on mine. “We are inside my dream,” he told me. He was so certain. So sure.
“Huh?” I was baffled.
“Hindi ko alam kung papaano mismo nangyari pero naalala mo no'ng niligtas kita? Doon nagsimula ang lahat...” Tumingin ulit siya sa harap. "Shim... That time, pareho tayong nasagasaan.."
“Ano?” Hindi ko siya maintindihan. Walang pumapasok sa isip ko. My mind wasn't processing his revelations.
Nagpatuloy si Aziel sa sasabihin niya.
He couldn't care less if I would believe him or not. Parang ang importante lang sa kaniya ngayon ay ang masabi at maipaliwanag niya sa 'kin ang lahat. “That time when I tried to save you, we were actually both got hit by the car...”Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala talaga akong maintindihan. My heart was beating so fast. Paanong nasa loob kami ng panaginip niya gayong lahat naman ng nandito sa paligid namin ay klarong-klaro na hindi talaga gawa-gawa lang ng imahinasyon? Everything looked so real. At isa pa, kung nasagasaan nga kami, bakit kami nandito ngayon sa ilalim ng waiting shed at sumisilong? Ang gulo.
Hindi ba dapat ay nasa hospital na kami?“Azi, I don't understand...” I uttered, my voice screamed confusion.
“That's why I am explaining, Shim. Makinig ka muna. Hindi kita nailigtas noon, sa halip ay pareho tayong nasagasaan. The car was too fast and I was too late to save you. Your soul... was somehow trap inside my dream.. hindi ko alam kung paano mismo nangyari pero... kung naaalala mo no'ng umihip ang malakas na hangin sa direksyon natin? Hindi lang basta hangin iyon... Parang indikasyon 'yon na napunta tayo sa mundo ng panaginip ko. At noong akala natin ay nailigtas na kita, kaluluwa na lang pala tayo no'n, Shim, at wala tayong kamalay-malay na nasa ibang mundo na pala tayo habang ipinagpapatuloy ang takbo ng buhay natin. Posibleng naghihingalo na ang totoong katawan natin sa totoong mundo."
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...