Sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan ginanap ang pre-wedding shoot. Isa itong historic resort kaya vintage ang datingan. Sobrang ganda nga naman dahil para kang bumalik ulit sa nakaraan. It's giving a nuance of traveling back in time vibe. Sobrang surreal ng lugar at perfect for photoshoot talaga.
Plano naman talaga nilang sa Two Gardens o sa Camp John Hay pero hindi tinuloy dahil gusto nilang tatlong araw ang shoot. Ayaw nilang mag-round trip dahil nakakapagod. Isasabay na rin kasi namin ang bachelor at bachelorette party dito. Mas okay ng dito dahil may hotel na kaagad tapos resort pa. Sulit na sulit! Marami pa naman kami ngayon dahil kasama namin ang mga shoot organizers. Ayaw din nilang sa garden dahil sa garden din naman ang venue ng kasal. Sulit naman dahil maganda talaga ang view, para kang nasa Spanish pre-colonial era. Charot.
Intimate wedding ang gusto nila Rei at Lei kaya mga kakilala lang talaga ang invited at relatives both sides. Iyong kasama namin ngayon ay ang mga groom at bride attendants lang, iyong mga sobrang malapit lang talaga sa puso ng dalawang ikakasal.
Magkasama kami ni Naia sa iisang hotel room tapos si Rei ay iyong pinsan niya ang roommate. Magkahiwalay din ng room ang mga lalaki. Hindi kaagad sinimulan ang shoot dahil pagod sa byahe ang lahat kaya nagpahinga muna kami.
Bandang hapon na noong sinimulan ang photoshoot. Everyone was busy preparing. Unang kukuhanan ang bride at groom kaya hindi muna nagbihis ang mga attendants. Nandoon lang kami sa set habang pinapanood sila. Iyong iba ay naglibot-libot na nga at hindi na nakapaghintay na ipagpasabukas ang pagliliwaliw sa lugar.
Bale dalawang category kasi ang shoot. First category ay pictures together ng bride at groom with their vintage attires at wedding attire. Tapos sa second category pa kami. Iyong kasama na ang bridesmaids at groomsmen.
Rei was wearing a coffee brown vintage dress ending above her knee, with patterns as designs. Leiji's attire also matched with his soon-to-be bride. Sobrang in love nilang tignan at halatang nage-enjoy sila sa shoot.
Palipat-lipat sila ng background kaya palipat-lipat din ang set. Napapagod na ako kakasunod sa kanila kaya umalis na lang ako. Mukhang mamayang gabi pa yata sila matatapos.
I was only wearing a white oversized crop-top and a pair of denim shorts. Naka-sunglasses din ako. Naka-fishtail din ang buhok ko at may konting strands ng curtain bangs ang naka-ipit sa likod ng tainga ko. Palubog na ang araw habang naglalakad ako.
Nagulat ako nang may kumalabit sa balikat ko kaya patalon akong lumingon sa likuran ko.
"Azi, nang-gugulat ka naman!" Napahawak ako sa dibdib ko.
Aziel chuckled. "Bakit ka umalis doon?"
"Bitter kasi ako," pagbibiro ko sa kan'ya. Nagsimula ulit akong maglakad-lakad kaya sumabay siya sa 'kin.
Tumawa naman si Aziel. Naka-suot lang siya ng t-shirt na may print ng brand sa harap at saka pantalon. Ang simple niya lang tignan ngayon.
"Ikaw? Bakit wala ka roon?" Tanong ko sa kaniya.
"Bitter kasi ako," pag-ulit niya sa sinabi ko kanina saka siya ngumiti.
"Go back there. Baka lahat ng groomsmen ni Leiji, wala na sa shoot dahil nagliliwaliw! Kawawa naman!" sabi ko sa kaniya.
"Then go back there, too. Bakit mo rin iniwan ang bride?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Okay lang. Nandoon naman sina Naia saka mga pinsan ni Rei."
"Leiji's other friends and relatives are there, too, so no worries," sagot niya sa 'kin. Binulsa niya ang dalawang kamay niya at kaswal na naglalakad kasama ko.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...