Yep! February 10 it was. Whole week walang klase dahil 5 days ang celebration ng Valentine's Day sa 'min pero kailangan pa ring pumasok dahil may nag mo-monitor ng attendance. Pagkapasok ko pa lang sa campus ay nagkanya-kanya na ang mga estudyante bawat building sa pagpapatayo ng sarili nilang mga booths. Siyempre kasama rin kami sa magtatayo. 'Yong iba ay nag-iisip pa ng pakulo para sa 5 days celebration.
Nakiisa ang FEU Tech sa activity ng main campus kaya p'wedeng mag-roam around ang taga-Tech sa loob. Simpleng sweet station lang daw ang ipapatayo naming stall. May VR at AR booth din kami wherein medyo mahal ang bayad pero sobrang sulit naman. Nirentahan pa namin ang dalawang VR Headset para lang makapagpatayo kami ng booth na talagang related sa technology.
The university became very busy. Nagdagsaan din ang mga lovers sa loob. Napangiwi ako dahil bitter na talaga ako since birth. Marami rin ang nakasuot ng pula. Everyone seemed to be in love. May color coding kasi.
Red kapag in love, white kapag na-ghost, black kapag broken, yellow kapag may ka m.u, at green naman kung single.
And guess what? Of course I wore green! Hindi naman ako in love! Hindi rin ako broken at mas lalong walang ka-m.u!
Noong mag-tanghali na ay saka nagbukas ang mga booths. Syempre may program munang ginawa bago iyon. May booth contest kasi, paramihan ng kita. Kung sino ang may pinakamalaking kita, sila ang champion.
Nagkanya-kanyang punta ang mga studyante sa bawat booths. May jail at blind date booth, photo booth, wedding booth, may drawing booth, at movie marathon din. May nagpa-parlor games din wherein mga couples lang ang pwedeng sumali. Ang duduga. May mga foods stalls at flower stalls din.
May pa-shout out din ang mga Comm students. Ang Cafe Alfredo naman ay may valentine's set up din. Cafe Alfredo was operated by HRMs at may mga limited edition offers sila. Iyon ang dinig ko. May pa-discount din sila sa mga couples. Oh, 'di ba? Sana all.
Nakaka-inggit tuloy dahil advantageous ang celebration na 'to sa mga may jowa! Assured nang mag e-enjoy talaga sila sa event! Pa'no naman kaming mga single?! Wala ba silang consideration?
Hindi kami nagkita ng mga kaibigan ko. Nagkaniya-kan'ya na sila. Hindi man lang ako pinuntahan. Masyado yata silang nawili sa mga pakulo. Si Rei nga ay hindi ko nahagilap, e. Nasaan na kaya ang babaitang 'yon? Naglibot-libot lang ako sa campus. Minsan ay bumibili rin ng mga dini-display sa food stalls.
Kumakain akong mag-isa ng popsicle habang naglalakad sa student plaza nang may kumalabit bigla sa balikat ko. Napatalon ako sa gulat at sinamaan agad ng tingin si Azi. Tumawa siya at sinabayan ako sa paglalakad.
"Why are you alone? Where are your friends?" He started a conversation.
"Wala, hindi ko alam kung nasa'n," may sama ng loob kong sagot.
"Oh? That's sad..." Aziel sympathized with me.
Napansin ko bigla ang suot niya. He's wearing a grey shirt. Agad na kumunot ang noo ko.
"Bakit grey?" I asked him.
Napalingon tuloy si Azi sa 'kin at saka sunod na tinignan ang kulay ng suot niya.
"Undecided," he casually said.
"Wala naman 'yan sa color code, ah?!" I exclaimed.
"Yeah? I'm still confused about my feelings right now. I'm still uncertain if..." Napahinto siya sa pagsasalita at tinitigan ako.
"If what?"
"If I am in love," he answered without taking his eyes off me.
"E 'di mag-green ka na lang para matchy matchy tayo! Laki ng problema mo." Para namang kulay pula lang ang pwedeng suotin. Arte! Gumawa pa ng sariling color code.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...