5th day it was! Last day na ng celebration at balik na naman sa normal day. Nakakatamad ulit! Nasa wide space ako ngayon at tumatambay. Nagsawa na ako sa mga pakulo nila. Tinignan ko na lang 'yong mga couples na busy sa isa't-isa. In love ang mga tao sa paligid ko ngayon! Paano naman akong naguguluhan sa nararamdaman ko lately? Cupido, ano na? Nagdadalawang-isip ka pa rin ba kung papanain mo ako o hindi?
Nang mainip ako ay saka ako naglibot-libot. Wala na akong magawa! What if sabihin ko kayang masakit ang tiyan ko para makatulog ako sa clinic? Hays.
Wala talaga akong magawa kaya pina-shout out ko na lang ang sarili ko. Nag-solo rin ako roon sa photo booth. Hinanap pa sa 'kin si Azi noong babaeng photographer na nag-picture sa 'min dati kaya sinabi kong busy. Busy naman talaga 'yon sa booth nila. Lalo na sa mga babae niya!
Halos i-try ko na rin lahat ng mga pagkain na binibenta sa bawat foods stalls. Kapag hindi ko gusto ang lasa ay tinatapon ko na lang. Syempre nag so-sorry ako kay Lord. Grasya 'yon, e. Binilhan ko rin ng flowers ang sarili at kapag nagsawa ako sa amoy ay saka ko ibinibigay sa mga mag-jowa nang libre! Oh, 'di ba, nagmukha akong Santa Claus pero sa Valentine's day.
Umupo na lang ulit ako nang mapagod. Ang boring! Gumala na lang kaya ako sa labas ng campus? Saan naman ako pupunta? At isa pa, may attendance! Ang boring talaga kapag walang kasama! Natutuyo na ang laway ko dahil kanina pa ako walang kausap at kating-kati na akong dumaldal. Napatingin ako sa paanan ko. Kausapin ko na lang kaya 'yong mga langgam? Nagpalinga-linga ako sa paligid. Psh, maraming tao. Baka isipin nilang nababaliw na ako. Malapit na!
Wala bang hahatak sa 'kin d'yan sa mga booth nila? Parang-awa niyo na, oh, mag-isa ako! 'Yong mga kaibigan ko ay may kaniya-kan'ya ng buhay!
Bumusangot ako.
“Hey,” I suddenly heard someone say so my eyes shifted on him.
“Oh, Azi? Bakit ka nandito? Sinong nakanta roon sa booth niyo?” Ang lalaking 'to, maaga pa naman kaya imposibleng natapos niya na kaagad ang part niya.
“Someone took over me. Napapaos na ako,” Aziel chuckled and sat beside me.
“Talaga? Paano na 'yong fangirls mo niyan?” Like hello? Nag e-effort pa silang pumunta sa gym para magpa-picture at marinig lang siyang kumanta. Kung ako si Azi, hindi ako aalis doon, e.
“Fangirls,” he mocked. “Where's your Dwight?”
Napatingin agad ako sa kan'ya.
“Bakit sa 'kin mo hinahanap?”I heard him chuckle, “Sungit mo.”
Na-guilty tuloy ako bigla. Naiirita ako, e. Kanina pa kaya ako mag-isa rito. Ngumuso ako.
“Wala ka bang gagawin ngayon?” Tanong ko sa kan'ya.
“Wala.”
“Talaga ba? Baka hanapin ka ng fangirls mo roon. Bumalik ka na,” pangtataboy ko.
“Ikaw? Baka hinahanap ka na rin ng Dwight mo.”
Umismid ako. “Puro ka Dwight!”
“Puro ka fangirls,” balik niya sa sinabi ko. Inirapan ko siya. Natahimik kami.
“Tara,” bigla niyang sambit.
“Saan?” Naguguluhan ko siyang tinignan.
“Let's try every booths here.”
Himala! Nag-aya bigla! “Na-try ko na lahat, e...” I said honestly. Lahat yata nasubukan ko na kasama si Dwight. 3 days ba naman kaming pagala-gala rito.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...