Inilabas ko ang iPad at digital pen ko nang magsimula na ang second period namin. Nag-take down notes ako habang nagdi-discuss ang professor namin sa harapan pero sobrang bilis niyang mag-slide ng presentation kaya nag-give up na lang ako sa pagt-take down notes at nakinig na lang nang mabuti.
Nag-quiz din kami ng 20 items at na-upset ako nang 18/20 lang ako. Pa'no, lumilipad ang isip ko. Hindi ko pa rin malimutan 'yong sa Valentine's Day. Dwight apologized to me about what he did but I avoided him temporarily for good. Masyado siyang bayolente kapag nagagalit! Kahit dati pa ay gano'n na talaga siya. He couldn't control his temper at nakakabanas iyon!
Inamin niya ring nagselos at nainis siya kaya niya nagawa iyon so I clarified everything to him. Azi was right, he's playing the boyfriend. Wala siyang karapatang diktahan ang mga taong lumalapit sa 'kin puwera na lang kung masama ang intensyon. He's being hysterical and immature! Wala rin siyang karapatan na pagbawalan ako sa mga gusto kong gawin at kaibiganin.
Of course, I also heard his side. I understood him. He was jealous and I hurt him. But it's still not right to attack someone! Nag-sorry ako sa kan'ya dahil nasaktan ko siya pero inis na inis pa rin ako sa kan'ya. Hindi pa rin tama ang ginawa niya kahit na sabihin nating valid ang nararamdaman niya no'n.
I groaned in so much annoyance. Hindi ko na rin alam kung paano ako haharap kay Azi ngayon dahil sa sinabi niya. Sa bagay, hindi na rin naman kami nagkita simula no'n.
Napatingin ako sa cellphone kong nakalapag sa desk nang mag-vibrate iyon. I checked my notification.
azseven_f: Lunch?
Napatitig ako sa screen. Nag-iba yata ang ihip ng hangin? Unang beses siyang nag-ayang mag lunch.
shimcuevas: pass.
Napakagat-labi ako. Tama ba 'to? Dapat ko rin ba siyang iwasan? Wala naman kasi siyang kasalanan. Dwight started the fight and he just defended himself.
azseven_f: Okay, then.
I sighed. Ilang araw ko rin silang iniwasang dalawa. Dwight kept on taming me. Si Azi naman kapag nagkasalubong kami ay nilalagpasan ko lang siya. He even tried to start a conversation with me pero iniignora ko lang din siya. Eventually, nagkabati na rin kami ni Dwight. He became extra careful with his actions this time. Dapat lang.
“Hindi mo talaga ako kakausapin?” Napahinto ako sa pagbabasa ko nang may magsalita sa gilid ko. It's Azi. Nasa coffee shop kami ngayon. Tiningala ko siya dahil nakatayo siya habang ako naman ay naka-upo. May inilabas siyang bouquet mula sa likod niya at binigay sa 'kin. It's a bouquet of crochet tulips. May pink, violet, orange, at yellow.
I raised a brow on him. He looked shy. He's biting his lower lip while looking away. “I can give you real ones but I chose to make a difference. Sy always gives you real flowers and they will just wither away. But these, no, they will last forever...”
Tinanggap ko ang bulaklak pero hindi ako nagsalita. Sa loob-loob ko ay kinikilig ako. I wanna smile but I shouldn't. Tigasin tayo, Shim!
Umupo siya tapat ko. “You've been ignoring me eversince. Did I make you feel awkward? Or does it have anything to do with the fistfight Sy and I had?”
“Pareho,” I said coldly before closing my book.
He sighed, “Shim, listen. I'm sorry nakipagsuntukan ako. And I am also sorry for surprising you. But I want you to know that I meant everything I said.”
“G-gusto mo 'ko?” Bigla akong kinabahan nang itanong ko 'yon.
“Ngayon ko lang din napagtanto,” he licked his lips to make it wet. “I know it was a sudden confession but if you want a formal one, I can—”
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...