Doctors immediately went inside my room to check on me. They had few questions and then told me some important informations and reminders. They even congratulated me for finally waking up after being unconscious for 4 months. I really had no idea why I ended up here in this hospital and why the hell I got comatose. Gano'n ba kalala ang nangyari sa 'kin? I still couldn't recall everything so I was very confused.
Masakit ang ulo ko kaya ipinikit ko ulit ang mga mata ko pagkalabas ng mga doctor. Nandito na ngayon sina Mommy at Daddy sa loob. They're both wearing a bouffant hat, facemask, surgical gloves, and a medical gown.
Ang sabi ng mga doctor ay normal lang daw talaga na wala akong maalala dahil malala raw ang naging head injury ko mula sa aksidente. Pero mare-regain ko naman daw ulit ang memorya ko. Though it would take some time because my brain was still recovering from the injury and the trauma.
“Are you feeling okay now, anak? What do you feel? Do you need something?” Sunod-sunod na tanong ni Mommy habang hawak-hawak ang kamay ko.
Umiling lang ako. Wala akong lakas ngayon. I was still processing what's happening. Gulat pa rin ako at naguguluhan kahit na naikuwento na nila sa 'kin na nasagasaan daw ako. Mabigat ang katawan ko at gusto kong magpahinga.
“Don't think too much, baby. Your body is still recovering. Rest first,” malumanay na sabi naman ni Daddy. Napansin niya yatang iniisip ko pa rin kung ano ang nangyari sa 'kin months ago.
“I'm sorry I was careless, Mom, Dad. I know I made you both w-worried. Sorry,” mahina kong sabi.
“No no no, sweetheart, ang importante ay lumaban ka. Gumising ka ulit. Iyon ang mahalaga.” Mom smiled at me tenderly.
“We thought we would lose another child again. We were so scared, Delancy,” Dad sighed.
“I'm so sorry, Dad.” I bit my lower lip.
Lumapit si Dad sa 'kin at hinalikan ako sa ulo. “I can't lose another child, baby. Be strong, magpagaling ka.”
“I will.”
Nakatulog ako ulit. Pagkagising ko ay 10 PM in the evening na. May orasan kasi sa dingding sa harap ng hospital bed ko. Mom and Dad weren't here in the ICU anymore. Hindi agad ako dinalaw ng antok kaya pinalipas ko na lang ang oras habang nagtingin-tingin sa paligid. Nakatulog ako ulit after an hour and pagkagising ko ulit ay umaga na. I stayed in the ICU for 4 days because the nurses and doctors were still conducting observations of me within that days.
And finally, after days of staying there, Dr. Manzano announced that I would be transferred to a private room na. I was getting fine and fortunately improving. I was also regaining my strength back. Medyo maayos na ang pakiramdam ko. Ang bilis ng recovery ko!
“Shimmer, hey, I missed you so much!” Tumili si Rei nang dalawin niya ako. May dala siyang fruit basket at nilapag iyon sa side table ko. Bumeso siya sa 'kin saka umupo sa couch. “Buti naman at naisipan mo pang gumising! Sabagay, hindi naman talaga basta-basta namamatay ang mga masasamang damo!” She laughed. Her voice echoed within the room.
My brows furrowed. Nanibago ako sa hitsura niya dahil maiksi na ang buhok niya't may kulay na ang dulo nito. Naka-rebond na siya at hanggang ibabaw na lang ng balikat ang haba ng buhok at kulay blue ang kulay ng dulo ng buhok niya.
“How are you feeling now? Okay ka na ba? Ikaw naman kasi, 'di ka nag-iingat! 4 months ko kayang tiniis na wala ka, hmp! Umiyak pa ako dahil sa 'yo noon sa pag-aalala, ha. Akala ko talaga mawawala ka na dahil ang hina na ng tibok ng pulso mo no'n!” Humawak siya sa dibdib niya at pinaningkitan ako ng mata. “Ayaw ko pang mawalan ng alipin!”
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...