CHAPTER 14

46 5 0
                                    

"Good morning, 'Azi'," panggagaya ni Leiji sa tawag ko sa kaibigan niya. Nasa harapan siya ngayon ng classroom ko habang may hawak na paper bag.

"Hi, Lei! Why are you here? Ang aga pa, ah?" Tanong ko sa kan'ya.

"Pinapabigay sa 'yo ng Azi mo," sagot niya naman at inabot sa 'kin 'yong paper bag na alam ko na agad ang laman. Siyempre, luto ng kaibigan niya para sa 'kin. "Ang tagal mong dumating, late na ako sa klase ko!" Reklamo niya agad. Mukhang kanina pa nga siya nag-aabang dito sa hallway namin dahil naglalakad pa lang ako palapit noon ay tanaw ko na agad siya sa malayo.

"Bakit kasi hindi mo na lang iniwan kay Rei? Early bird naman lagi 'yon." Tinanggap ko ang paper bag at bahagya pang sumilip sa loob ng classroom, hinahanap ang kaibigan ko.

Lei scoffed. "Aalis na ako."

Ngumiwi ako. Not in good terms ba sila ni Rei? Gusto kong tanungin pero ayoko namang maging nosy. Besides, kung mayroon nga silang misunderstandings, magku-kwento naman 'yon sa 'kin si Rei. Hindi pa rin ako mahuhuli sa chismis.

"Hoy, sandali! May tanong ako!" Hinawakan ko ang braso ni Lei nang maglakad na siya paalis.

"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong naman niya at hinarap ako.

"Working student si Azi?"

"Huh? Who told you?" Mukhang naguluhan siya sa tanong ko.

"Ay, hindi ba?"

"He's managing his father's company right now. Iyon ang alam ko. Mukhang iyong business din yata ng Mommy niya. Technically, hindi siya working student," sagot ni Lei.

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Seryoso ba? "Ha? Yago, CEO lang?" Gulat na giit ko.

Ang bata niya pa, ah? Paano nangyaring pinahawak ng parents niya ang business nila? At isa pa, estudyante pa lang si Azi! Wala ba siyang nakatatandang kapatid? Bukod doon, bakit? Akala ko not in good terms sila ng pamilya niya dahil sa ginawa niyang eskandalo sa kasal nila ni Harukiah. Marami pa nga talaga akong hindi nalalaman tungkol sa lalaking 'yon.

"I don't know..." Leiji shrugged his shoulders.

"Anong business ng Mommy niya?" Pagtatanong ko pa.

"Why are you so interested?" Kumunot ang noo ni Lei.

"Ay, bawal magtanong?" Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

I heard Leiji sighed. "As far as I know, restobar iyon. They have 12 branches around the country, I guess?" Mukhang hindi pa siya sigurado kung ilan.

Nalaglag na talaga ang panga ko sa narinig. What the fucking hell? Ganoon kayaman si Aziel? Mapapasabi ka na lang talaga ng 'he's a 10 but he's out of my league'! He's out of reach! Langit siya at nasa gitna lang ako. Oo, sa gitna, talaga! Ayoko namang maging lupa, 'no! Hindi bagay sa anghel na katulad ko!

"And he's handling his parents' business all by himself now?!" Gulat na tanong ko.

Nagkibit-balikat lang si Lei, mukhang hanggang doon lang ang alam tungkol sa kaibigan. "He's private. Wala na akong alam bukod doon."

Ngumuso ako. Marami pa talaga sana akong gustong malaman.

"Sige na, Shim, late na talaga ako. See you when I see you!" Pagpapaalam niya ulit bago tuluyang umalis. Kumaway lang ako sa kan'ya.

PHANTASMAGORIA Where stories live. Discover now