CHAPTER 3

57 8 0
                                    

“Ang weird, 'di ba? I mean bakit wala siyang social media accounts? Everyone has social media accounts already! Maging ang mga matatanda ay meron na, how come na wala siya no'n?” Pagra-rant ko kay Rei.

Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko. Nakadapa si Rei sa kama ko habang nakaharap sa laptop niya. Ako naman ay nakaupo sa gaming chair ko nang nakapatong ang dalawang paa.

“Maybe Harukiah isn't fond of using social media, right? Or she deleted her whole existence sa socmed? Hindi natin alam, baka popular siya at maraming nang-bash sa kan'ya tungkol sa wedding issue niya so she needs to do social media detox muna,” bored na sagot ni Rei sa 'kin.

Hindi, e. May something talaga, e!” Pangi-insist ko naman.

“You're just overthinking it, Shim.” Umirap siya, halatang pagod na sa mga sinasabi ko.

“Baka naman kasi mali ang nasagap mong chismis, Rei! Baka hindi talaga Harukiah Mendes ang pangalan ng bride!” Sumimangot ako.

Hindi makapaniwala akong tinignan ng kaibigan ko, naka-awang pa ang bibig niya. “Hoy, Delancy Shimmer Cuevas, I tell facts and facts only. Harukiah Mendes talaga 'yon!” Dinuro niya ako.

“Source? Proof?” Pinagtaasan ko siya ng kilay. Malala talaga ang trust issue ko.

“Basta tama ang pangalan ng bride! Alam mo, isa lang naman ang makakasagot niyang tanong mo, e. Si Aziel,” saad niya sa 'kin. She started scrolling down on her laptop again.

I rested my chin on top of my knee and pouted. I could vaguely remember what happened between us sa Royal Club.

The sides of his fingers glowed while we held hands. It seemed like there's something magical that's about to happen if only he didn't spoil the moment. Hindi ko alam, basta ang tantiya ko ay may mangyayari kapag nagpatuloy 'yon.

But what's gonna happen exactly if he didn't let go? He looked so bewildered and surprised. Parang hindi rin niya in-expect 'yon.

I let out a heavy sigh.

“Right, si Aziel lang talaga...”

That weird heavenly creature.. Ugh!

“Sa tingin mo ba ay lasing na lasing talaga ako kagabi?” pag-iiba ko ng topic.

“Hindi naman, but you were totally tipsy. Tawa ka nang tawa kahit wala namang nakakatawa. Para kang may tilileng,” sagot niya.

“Tipsy..” Dahan dahan akong tumango at gumawa ng mga conclusions sa isip ko. “Hindi pa naman nagha-hallucinate kapag tipsy pa lang, 'di ba?”

“Siguro? Hindi ko pa naman naranasan. Well, siguro, unless may tilileng ka,” humalakhak siya.

Binato ko agad siya ng notebook pero nailagan ng loka. Sayang. Alam kong ako ang tinutukoy niya.

“Seryoso nga, Anshireina!” Inis kong singhal sa kaniya.

“Bakit ba kasi?” Nagta-type na siya ngayon. Ano bang ginagawa ng babaeng 'to?

Sasabihin ko ba ang nakita ko? What if it was just really an imagination? What if natamaan lang talaga ng liwanag ang kamay namin no'n? And I was too tipsy that I started imagining things? But what if totoo nga? Argh, mababaliw na ako kakaisip.

Guni-guni ko lang ba talaga? Pero kung totoo ngang umilaw, bakit?

What's the mystery behind you, Mr. Falexio?

PHANTASMAGORIA Where stories live. Discover now