Love is dangerous. Iyon ang sabi nila at agree ako roon. Love can make you do crazy things for the sake of it. Marami na ang mga taong napahamak dahil sa pag-ibig. Marami na ang nasaktan at marami na ang natatakot ulit na maramdaman ito. Pero ako, handa akong sumugal para kay Aziel. Handa akong sumugal kung alam kong siya ang premyo.
Nagsisimula pa lang kami. Nagsisimula pa lang ulit kami. Pero bakit ba palagi na lang may balakid? Bakit ba palagi na lang may harang? Should I take it as a sign? I didn't want to be negative.
Tuluyan na ngang pumapagitna si Harukiah sa amin. Dati ay wala naman siya sa storya naming dalawa ni Azi. Pero ngayong nabalik na kami sa reyalidad, unti-unti na ring sinasampal sa akin ng mundo na hindi ko talaga pagmamay-ari si Aziel. He may be mine emotionally, but in the eyes of many, he was Harukiah's.
“Are you okay, love?” Tanong ko kay Azi. Kanina pa kasi siya balisa at patingin-tingin sa paligid na para bang may hinahanap siya. He was conscious.
“Yeah, of course, don't mind me.” He smiled at me. Hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko. Nandito kami ngayon sa McKinley Hills sa may Venice grand canal. We're having a date. Perfect place kasi 'to kasi pang-international ang view. Parang nasa Italy ka lang!
Tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya. Sinulit namin ang view ng lugar bago kami umalis at pumuntang Ponte Rialto para kumain. Dito namin napili dahil Italian-based ang mga foods nila. Sobrang sarap!
Saka na namin naisipang umalis noong around 5 PM na. Dumiretso kami sa MOA seaside. Lumubog na ang araw kaya maganda ang view ng lugar ngayon. Nasa kulay kahel at pula na ang kalangitan. Namasyal lang kami tapos noong gumabi na ay saka kami sumakay sa mga rides.
“AYOKO NA! WAAA!” Panay ang sigaw ko noong sumakay na kami sa drop tower. Si Aziel ay sumisigaw rin pero hindi dahil sa takot siya kung hindi dahil sinasabayan niya lang iyong ibang sumisigaw din. Patawa-tawa pa siya habang ako ay halos malagutan na ng hininga sa takot.
My knees wobbled when we finally got down. Nakapulupot na ang mga bisig ko sa braso ni Aziel.
“Awe, my poor baby,” he teased. I glared at him so he laughed cutely. Huminto siya at humarap sa akin saka inayos ang ilang hiblang tumatayo sa buhok ko. “Let's sit first,” aniya.
Nang maka-upo kami sa bench ay binilhan niya pa ako ng maiinom bago tumabi sa 'kin. Kinuha niya ang suklay sa loob ng sling bag ko at pinatalikod ako sa kan'ya. Tinanggal niya ang pagkakatali ng buhok ko saka ito marahang sinuklay.
I looked like a child sipping on her drink while waiting for her brother to finish doing her hair. It was such a view!
Pagkatapos itali ni Aziel ang buhok ko ay saka ako humarap sa kaniya. “Gusto mo?” I offered him my drink. Kalahati na lang ang laman nito. Tinitigan niya saglit ang hawak ko bago umiling.
“Ayaw mo? Masarap naman 'to, ah?” Ininuman ko ulit.
“I prefer it tasting in your mouth.” Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha niya sa 'kin. He then kissed me! Unti-unting umusbong ang kaba sa dibdib ko. For God's sake, we're in a public place! Ilalayo ko na sana siya mula sa 'kin ngunit hinawakan niya ang batok ko para mas madiin ang labi ko sa labi niya.
My lips parted when he bit my lower lip. Napahawak ang isang kamay ko sa braso niya. He then slowly entered his tongue inside my mouth before he swirled it. His tongue explored my mouth, tasting every corner of it.
There, I gave in. Damn it. Damn this man. Dumaosdos ang kamay ko sa braso ni Aziel, nawawalan na ng lakas. I couldn't get enough of his kiss. Hindi ako informed na ganito pala ang feeling kapag hinahalikan nang ganito kalalim! Hindi naman ganito humalik si Dwight!
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...