Hindi ko alam kung anong eksaktong mararamdaman ko. Kailangan ko bang matakot? Mabahala? Kabahan nang husto? I didn't know! That warning from Harukiah was making me uneasy. Alam na kaya niya? Nahahalata niya kaya? I should ask Aziel about this. Hindi ako mapakali. Buong araw ko yatang iniisip ang sinabi niya.
Dinukmo ko ang ulo ko sa lamesa. Kasalukuyan akong nasa klase ngayon at hindi ako makapag-concentrate sa discussion ngayon ng prof ko. I let out a heavy sigh.
Noong lunch break na ay dumiretso kaagad ako sa cafeteria. I texted Aziel if he's free later because I wanna talk about something with him. Gusto kong tanungin siya nang personal dahil mas magandang mapag-usapan iyon nang harap-harapan. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang eksaktong dahilan.
Sinundo niya ako pagkatapos ng klase.
"Saan tayo?" Tanong niya nang makapasok na ako sa loob ng kotse niya.
"Hindi na importante. Gusto ko lang talagang makipag-usap sa 'yo."
"About what?" Pinarada niya na lang ang kotse niya sa gilid. Mukhang hindi rin alam kung saan ako dadalhin.
"About your fiancee," I answered.
Azi's jaw clenched about my sudden mention of her. "Why? What about her?"
"Nagkita kami noong isang araw. She told me something uncomfortable." I bit my lower lip. "Does she know about us, Aziel? She told me to stay away from you."
Hindi kaagad nakasagot si Aziel. Nagulat siya sa sinabi ko. "Shim..."
"Please tell me."
"She knows,” Azi sighed.
Napapikit ako nang mariin sa sinagot niya. Napansin ko ring humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.
"How? Nagsumbong ba siya sa Daddy niyo? Jesus, ayoko ng gulo, Azi. I'm scared."
Huminga muna si Azi bago siya sumagot. "At first, she did not suspect anything. Only then when... when we started seeing each other more often. From then on, she started to have doubts. She confirmed everything when she saw us together at Blackbird."
Bumilis ang paghinga ko. "Is she keeping an eye on us?"
Aziel became silent. Para bang wala siyang makapang sagot sa tanong ko.
"She told me to stay away from you. Paano kung... paano kung isumbong niya tayo sa Dad mo, Aziel? Paano kung tuluyan na nila tayong ipaglayo? Hindi ko kakayanin iyon." My tears began to pool in my eyes.
Nang mapansin niyang paiyak na ako ay hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "I won't let that happen, Shim. I won't let them separate us. Ipaglalaban kita, tandaan mo iyan."
"How, Azi? Pamilya mo ang kalalabanin mo. Don't you ever renounce your family because of me." Nanghina ako sa bawat salitang binitiwan ko.
He sighed. Mapungay niya akong tinignan. "Then what else should I do, love?"
Tinignan ko ang mga mata niya. "Don't. Just don't," I whispered. Hindi ko rin alam kung anong gagawin. Basta huwag niya lang talikuran ang pamilya niya.
"But.. I already did." Mahina ang pagkakasabi niya noon na halos hindi ko na iyon marinig.
Kumunot ang noo ko, "Did what?"
Mapait siyang ngumiti at tumingin ulit sa harap. "Nothing. Magtiwala ka lang, Shim. Just don't let go."
Naguluhan ako sa sinabi niya. "May tiwala ako sa 'yo. Huwag mo lang akong ipaglaban sa paraang hindi ko magugustuhan."
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...