“How do I look?” Tanong ko kaagad kay Azi nang magkita kami sa SM. Dito namin napag-usapang magkita dahil bibili pa kami ng mga paint materials bago pumunta sa destination namin.
“Gorgeously shimmering,” he answered with a smile. Namula tuloy ako nang wala sa oras. I was wearing a white tank top layered with a white cardigan top, and then trousers paired with a white sandal with an ankle strap. I also tied my hair in a low ponytail with a big white ribbon. Si Azi naman ay nakasuot lang ng white oversized t shirt at dark cargo pants partnered with his white LV shoes. Nagkapareho pa kami ng kulay ng damit. Kahit simple lang ang ayos niya ay sobrang gwapo pa rin! Ang unfair!
Pumasok na kami sa loob at dumiretso agad sa section ng mga art material supplies. Natagalan pa kami sa mall kasi inaya niya pa akong maglaro sa arcade. Ang galing niyang maglaro ng Claw Machine! Ang dami niyang nakuhang toys! Naglaro rin kami ng basketball saka 'yong whack-a-mouse. Aliw na aliw ako kasama siya. Nang magsawa kami ay saka lang kami lumabas ng mall. Nadagdagan tuloy ang hawak naming paper bags dahil sa rami ng toys na napanalunan niya.
“Did it trigger your memory?” He asked.
I immediately shook my head. “Naglaro tayo rati?”
“No. You're with Dwight that time but... I was there.” His tone was bitter.
“Oh... Sana pala ikaw na lang ang kasama ko no'n,” I beamed at him. It was genuine. Sana pala ay siya na lang ang kasama kong naglaro noon. He's fun to play with.
Ngumiti siya. Bumyahe kami papuntang Tagaytay. Nagreklamo pa ako kung bakit sa Tagaytay pa, e, magpe-paint lang naman kami! Ang arte niya! Ang sabi niya ay roon daw kami nag-paint nang magkasama noon. Ang layo naman! Sa Picnic Groove ba naman.
“This is amazing!” sigaw ko noong nag-zipline kami. Binawi ko na agad iyong reklamo ko kanina. Sobrang ganda rito! Good thing, I brought my monopod. I was taking videos the whole ride. Pagkatapos ng zipline ay sumakay naman kami sa cable car. Tanaw na tanaw ko ang ibaba habang nasa loob kami. Ang ganda!
“This feels nostalgic. Sumakay rin ba tayo rito dati?” I asked Azi while I was busy taking pictures of the view.
Tumango lang siya. He was just looking at me the whole time.
“Tumingin ka nga sa labas, huwag sa 'kin!” Tumawa ako. Naiilang na kasi ako sa mga titig niya.
“Nah, I love what I'm seeing here,” he told me. “Such a beautiful scenery.”
Inirapan ko siya. “Harot mo, 'no?”
“Sa 'yo lang, actually.” Humalukipkip siya at ngumisi.
I bit the insides of my cheeks, refraining myself from smiling so widely. “I will tell this to Harukiah!”
“I don't really mind.” Mas lalong lumapad ang ngisi siya. Parang hindi man lang na-bother na isusumbong ko siya sa fiancee niya!
“Seryoso, hindi ba magseselos ang fiancee mo sa 'kin?” Tanong ko. Baka kasi selosa siya.
“Maybe? Don't bring her up, please. This is our moment,” sagot niya naman at tumingin sa labas.
“Eh kasi naman! Baka mapagkamalan akong kabit!” Ngumuso ako. Tinignan naman ako ulit ni Aziel nang magkasalubong ang mga kilay. “I told you already, she's not my lover.”
“She's your fiancee!” I reminded him.
“I was just betrothed to her! Come on, I don't even love her, ikaw... sa 'yo naging alipin ang puso ko,” mukhang naiinis niyang wika.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...