CHAPTER 5

58 7 0
                                    

It's been 2 days since I last talked with Azi. Hindi na rin kami nag-usap online. Iyon na ang una at ang huli. Hindi na siya nag-online! Halatang 'di talaga mahilig mag-Facebook. Gusto ko sanang i-message pero nahihiya ako. May hiya pa rin naman ako kahit papaano, anong tingin n'yo sa 'kin? Iniscreenshot ko pa 'yong convo namin ni Aziel at sinend do'n sa gc namin ng mga kaibigan ko sa IG.

anshireina07: Tf? May fb account na?

itsprettynaia: reto moko, shim ko

itsprettynaia: masearch nga :D

overcloud that's how my ex and I started.

anshireina07: Close na kayo? Kaya pala magkasama sa iisang table :))

rowanator: Dwight left the group

shimcuevas: i'm getting mermaid :>

Normal day lang naman. Sumasakit na ang mga mata ko kakatitig sa computer kahit na may suot naman akong anti-radiation eyeglass. Ang sarap matulog, kung hindi lang ako grade conscious katulad nitong si Rei, e, kanina pa ako humihilik. Pagkatapos ng klase ay bumili ako ng Starbucks coffee malapit sa bookstore sa Morayta. Binilhan ko na rin si Rei, tamad maglakad, e, ginawa pa akong utusan.

Habang naglalakad ay may biglang tumulak sa 'kin kaya muntik na akong masubsob sa semento. Hayop na 'yan!
Si Rowan pala, siraulo talaga. Bigla namang inagaw ni Ulap ang hawak kong Starbucks cup at walang pasabing ininuman ito.

“Hoy, lagot ka kay Rei 'yan!” Inagaw ko sa kan'ya ang baso pero tinaas niya ito kaya hindi ko maabot. E 'di siya na ang matangkad! “Akin na, Cloud!” Tumalon-talon pa ako para abutin pero iniiwas-iwas niya sa kamay ko.

Ininuman ko na, it's mine now,” nakangisi niyang sabi. Sumuko na ako, 'di rin naman ako mananalo sa kan'ya.

“Bayaran mo 'yan!” singhal ko kay Cloud.

“Sure, ibabayad ko si Leiji,” Cloud snorted and laughed.

Umismid ako. Humirit pa 'tong si Rowan at akmang iinuman pa sana ang cup ko pero inambahan ko siya ng suntok kaya humalakhak siya. Inakbayan ako ni Cloud nang magsimula ulit kaming maglakad. Feel na feel niya talaga ang pag-inom sa kape ni Rei, akala mo talaga ay pera niya ang pinangbili.

“You know Falexio?” biglang tanong ni Cloud.

“Hmm, hindi masyado, bakit? Kilala mo rin?” I asked him back.

“4th year, engineering. I know his issue,” seryoso niyang sagot.

“Runaway groom. Everyone knows his issue, dude!” Natawa si Rowan. “Ano 'yong sinend mo sa IG, Shim? You have a crush on him?”

“Ano? Wala, 'no! Psh!” Pag-deny ko. Totoo rin naman kasi.

“Defensive!” sabay nilang sabi. Inirapan ko silang dalawa.

“Wala nga! May girlfriend, 'di ba? Ayoko sa may laman na ang puso!” Pag depensa ko pa.

Pero sabi naman ni Azi ay wala siyang girlfriend. Aish, ewan. Basta! Si Harukiah girl!

“Right decision. Don't. Baka ikaw ang sunod na takbuhan sa kasal, pagbibiro ni Cloud.

“Never get mermaid to him,” humalakhak naman si Rowan.

“Ayaw niyo ba sa kan'ya?” Tanong ko at sumimsim sa kape ko.

“Bakit? Gusto mo ba siya? Ihahanda ko na ang sampung case ng beer para kay Dwight,” pang-aasar ni Rowan. Isa na lang at mahahambalos ko na 'to.

PHANTASMAGORIA Where stories live. Discover now