“You seemed down, love, what's our problem?” Azi asked. We were inside a study cafe. We were having a study date.
Abala siya sa kaniyang plates habang ako naman ay sa mga codes na mini-memorize ko.Napatingin ako sa kaniya. “I am fine.”
“I am not convinced, Shimmer. Ilang araw ka ng ganiyan. You are worrying me,” he sounded concerned. Ilang araw na ba akong dry sa kaniya?
“I am fine, love. Pagod lang siguro...” ngumiti ako sa kaniya.
Azi stared at me. He wasn't buying any of my excuses. Narinig ko siyang bumuntong-hininga kaya ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa laptop ko.
“Tell me what's wrong when you feel comfortable enough to confide,” paalala niya sa 'kin.
Tahimik akong tumango. Hindi ba dapat ay ang sarili niya ang pagsabihan niya noon? Masyado siyang patawa.
Pagkatapos naming mag-aral ay naghiwalay na rin kami. Alam kong wala siyang pasok ngayon dahil mamaya pa iyong gabi. Hindi ko alam kung saan ang tungo niya ngayon o kung anong gagawin niya sa vacant time niya. Gusto kong magtanong pero hindi ko mahanapan pa ng point kung bakit kailangan pa. Hindi rin naman niya sasabihin ang buong detalye. Or worse, baka magsinungaling lang siya.
I should not be thinking bad things about him. I knew he's honest. I hope he's being honest. Kapag naman tinatanong ko siya ay nagsasabi naman talaga siya. I knew him. Kapag ayaw niyang sagutin ang tanong ko ay iniiba naman niya ang usapan o hindi kaya ay malalabo ang ibinibigay niyang sagot kaya alam kong hindi niya kayang magsinungaling sa akin.
Konsensya niya rin siguro. Ang problema lang sa kaniya minsan ay kailangan ko pa siyang tanungin para lang magsabi siya. And for the nth time, I'm going to say, he's secretive as hell! Para siyang saradong libro na kailangan pa ng effort na buksan at basahin para malaman ang buong content.
He picked me up from school the next day. He wanted to date me. It was an arcade date this time. I had fun.
“Mag-palawan kaya tayo? Kahit 3 days lang. Pareho naman tayong walang pasok bukas, saktong weekend din kaya okay na okay!” Pag-aaya ko sa kaniya habang kumakain kami ng pizza.
Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. “Palawan..” I saw him licked his lower lip, he was hesitant to say something. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi.
“Joke! Huwag na pala! Ha-ha!” Tumawa ako. “Baka busy ka ulit!” Nanikip ang dibdib ko. Baka busy siya ulit sa sekreto niya.
“I'm sorry..”
“Okay lang, ano ka ba!” Ngumiti ako sa kaniya. Sa loob-loob ko ay gusto ko ng sumabog sa inis. Napupuno na talaga ako. Sobrang na ang pagtatampo ko sa kaniya.
He sighed. “Hindi ako busy. Wala.. wala akong budget,” natawa siya sa sinabi niya. He sounded embarrassed.
Nagtagpo ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. “Huh? Wala ka ng pera?”
He looked away. He was really embarrassed to admit it.
“Naubos? Saan mo ginastos?” I interrogated. I was expecting him to tell me the reason.
“Wala akong pinaggagastusan, Shim. Nagtitipid ako,” sagot niya sa akin.
Natawa ako sa sinabi niya. “Nagtitipid ka na ngayon?” Nagtitipid din pala ang mayayaman?
“Yeah. Bagong buhay,” he retorted and chuckled. Kinagatan niya ang pizza niya.
Ngumiti ako nang tipid. “May pinag-iipunan ka ba?”
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...