CHAPTER 9

54 4 0
                                    

“Eat more,” Dwight demanded.

“Busog na nga ako, Dwight,” reklamo ko naman. Pinapakain pa kasi niya ako kahit na hindi ko na malunok dahil busog na talaga ako. Nalaman kasi niyang hindi ako nakapag-breakfast dahil na-late na ako. Nagsumbong kasi itong si Rei sa kan'ya kaya noong natapos ang klase ni Dwight ay dumiretso siya sa classroom ko para kunin ako at pakainin sa kalapit na kainan dito. 

“You skipped your breakfast, Shim. You should eat more,” he sighed.

“Busog na nga ako!” Pagpapaliwanag ko ulit. Ang kulit naman ng lalaking 'to!

Bumuntong-hininga ulit si Dwight, sinusubukang habaan pa ang maikli niyang pasensiya. Nagpuyat ka ba kagabi? Why were you late?” He suddenly interrogated.

“Hindi ako nagpuyat. Maganda ang tulog ko. May iniisip lang talaga ako,” pag-amin ko naman.

“Why? Is something bothering you?”

I became silent for a moment. “Wala naman,” I lied. Actually, mayroon nga.

Aziel himself was bothering me and this strange feeling I was feeling recently. Hindi ko na alam. Why was it that everytime he's near me, hindi mapalagay ang puso ko? I felt guilty for Dwight somehow. I heaved a sigh.

“Dahil ba napagalitan ka kanina? 'Yan ba ang bumabagabag sa 'yo?” Dwight's voice was gentle.

“Hindi naman. Wala 'to...”  Totoong napagalitan ako kanina ng prof namin at pinakuha pa ako ng admission slip, first offense ko raw 'yon sa subject niya. Although, tinanggap pa naman niya ang papel ko dahil naabutan ko pa rin naman ang klase niya kahit malapit nang mag-time no'n. Pero 'yon nga, napagalitan pa ako sa harap ng klase. That was humiliating.

“Hey, it's okay.” Dwight held my hand and smiled at me. I stared at him and bit my lower lip. 

“Dwight... Sigurado ka na ba talaga sa 'kin?” Tanong ko bigla.

“Of course. Bakit, duda ka ba?”

Umiling ako. “I don't know. Ilang beses mo na akong niloko, I don't know if it is real this time anymore.”

“Shim, I've realized my mistake. Pinagsisihan ko 'yon. I know your worth now at sobrang mahalaga ka sa 'kin.” Ngumiti siya sa 'kin.

“Sinabi mo na 'yan dati..” I looked away.

Natahimik kami saglit. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga. “Just trust me, I won't let you down this time. I promise.” I can see the sincerity in his eyes so I smiled.

“Don't let me down this time,” ngumiti ako.

Sabay kami ni Dwight na bumalik sa Tech. Hinatid niya rin ako sa classroom ko bago siya umakyat papunta sa floor nila. 

Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso na ako sa Morayta para hintayin si Kuya Albert na sunduin ako. Dinaanan niya pa kasi si Mommy sa workplace niya at dito na lang daw nila ako kukunin. Medyo madilim na ang langit at kanina pa makulimlim. Malamig din ang simoy ng hangin at may kaunting pagkidlat din minsan. Hindi naman umuulan pero talagang mukhang masama ang panahon ngayon. Nililipad ng hangin ang nakalugay kong buhok kaya tinali ko ito. Chineck ko rin ang bag ko kung may dala akong jacket dahil nilalamig ako sa hangin. Napakagat-labi ako nang makita ang sweater tee sa loob. Dala-dala ko na 'to simula no'ng sabihin ni Cloud na si Azi ang naghatid sa 'kin pauwi noon. Baka kasi makausap ko si Azi at matanong kung sa kan'ya nga ba talaga galing ito.

Susuotin ko ba? Bahala na, lalabhan ko na lang ulit. Kinuha ko ito sa bag at sinuot.

Na-bored na lang ako sa kakahintay pero hindi pa rin dumadating sina Mommy kaya tinawagan ko na.

PHANTASMAGORIA Where stories live. Discover now