Halos mamatay na sa kakatawa si Rei nang ikwento ko sa kanila ni Naia ang nangyari sa gym. Nasa McDo kami ngayon at tumatambay. Hinihintay rin ang boys na dumating.
"Scammer ka, marupok!" Tumawa ulit siya. "Kahit anong gawin niya, I will never come back to him. Kahit umiyak pa 'yan sa harapan ko," panggagaya n'ya sa sinabi ko noon.
"I did not come back to him!" I exclaimed.
Natawa na rin si Naia, "May pabulaklak pa si Dwight, sa harana ka lang pala bibigay," pang-aasar niya.
Inirapan ko silang dalawa at kumuha ng mcfries saka sinubo. Pabiro akong tinulak ni Rei sa balikat. "Malandi ka, anong nangyari sa zero percent chance? Bakit may ganiyan, ha?"
"He knelt down in front of me, okay? That was unexpected, hindi ko alam ang gagawin ko para tumayo siya. And besides, ikaw na rin mismo ang nagsabi to give him a chance and I did!" Pagtatanggol ko sa sarili.
"Nagpakipot ka pa sana ng konti, Shim." Uminom si Rei sa Mcfloat niya at tumawa.
"Haba naman ng hair mo, Shim ko. Dwight is popular to girls, you know. He's a damn heartthrob at napaluhod lang siya ng isang Delancy Shimmer Cuevas na isip bata," pangungutya ni Naia.
"Fuck you, meanie!" Ngumuso ako. Tumawa sila.
"Ano nang plano mo niyan?" Tanong ni Rei.
“Nag-expire na yata ang anti-marupok talisman na dinikit natin sa ibabaw ng kama niya, Rei,” sambit naman ni Naia at humagalpak ng tawa. Totoong may dinikit silang papel doon. Naka-japanese pa na letters iyon at ni-ritual-an pa raw nila sa Quiapo kahit halata namang sulat-kamay lang iyon ni Rei.
"Syempre titignan ko kung hanggang saan ang bente pesos n'ya. Kidding aside, titignan ko kung talagang paninindigan n'ya lahat ng sinabi n'ya. Saka 'wag kang OA na parang bumalik ako sa ex ko! Hindi nga naging kami no'n!" Mahabang sagot ko kay Rei.
"Nanliligaw pa nga lang daw kasi, Rei. She can reject him anytime,” pagtatanggol sa 'kin ni Naia. Napaka mapang-asar talaga nitong si Rei. Minsan ay gusto ko na lang sabunutan.
So far, Dwight took extra care of me. He treats me way too different from before, ngayon ay mas ramdam kong sincere siya. Pero hanggang saan nga ba 'yang gan'yan niya? In fairness, natitiis na niyang huwag lumandi sa iba? Hindi pa siguro nangangati. Hintayin ko na lang at nang ma-reject ko na.
"Kumusta naman ang pagiging Archi student, 'te?" Biglang tanong ni Rei kay Naia.
"Nakaka-haggard nang sobra! Pinipiga ko na nga lang 'tong utak ko at baka may natira pang creative juice. Hassle!" Reklamo niya.
"Nag IT ka na lang sana..." natatawa kong sabat, pertaining to our program.
"Mahirap din naman daw ang IT, e!" Naia pouted.
"Not when you are passionate with your program," I said.
"Anong hindi? Kahit pa passionate ka, mahirap pa rin! Hindi ko nga maintindihan kung bakit may math sa IT, e, 'di naman magagamit 'yan in the future! Pinahihirapan lang nila tayo!" Reklamo rin ni Rei.
"Tse! Tinutulugan mo nga lang 'yan!" Untag ko kay Rei. Napaka-mapagpanggap. Akala mo talaga nag e-exert ng effort para maintindihan ang math, natutulog lang naman. Nangongopya pa, walang kahirap-hirap.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...